• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam

MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng lungsod.

 

 

Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-8:40 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Serapio St., Brgy. Gen T. De Leon matapos ang natanggap na impormasyopn hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga.

 

 

Sa tulong ng isang Regular Confidential Informant (RCI), nagawang makipagtransaksyon ng isang operatiba na nagsilbi bilang poseur buyer sa suspek ng P8,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka sinunggaban ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 35 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P238,000.00; buy bust money na isang tunay na P500, kasama ang 7 pirasong P1,000 at isang P500 boodle money, coin purse at P200 recovered money.

 

 

Pinuri naman National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Valenzuela City Police sa mahusay nilang trabaho na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y notoryus drug pusher.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • DepEd: Late enrollees tatanggapin

    SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.   “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.   Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.   Ayon sa ahensya, […]

  • SHARON, handang ma-bash at sa magiging reaksyon ni Sen. Kiko; may assurance na maganda ang ‘Revirginized’

    WALA dapat ipag-alala ang mga Sharonians sa gagawing pelikula ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films titled Revirginized.     Kahit na medyo nakaka-shock ang dating ng title, Sharon gave her Sharonians an assurance na magandang project ang Revirginized at excited siyang gawin ito.     Wala rin kaso sa kanya na baguhan ang kontrobersiyal […]

  • Bullying prevention campaign, ilulunsad ng DepEd

    ILULUNSAD ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU), ang Bullying Prevention Advocacy Campaign kaalinsabay ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre.     Ayon sa DepEd, may temang #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral), pagtutuunan ng nasabing kampanya ang tatlong core aspects: KasamaAko (Adbokasiya Para sa […]