Ilang nagpasiklab sa Batang Pinoy pinarangalan ng Milo
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
KINOPO ng City of Baguio ang three-peat overall championship sa katatapos na 13th Philippine Sports Commission-Batang Pinoy 2022 National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur.
Sumungkit ng 100 medalya ang Summer Capital, pumangalawa ang Pasig City sa 48 golds at pumangatlo ang Quezon City n 46-ginto .
Bumahagi sa 6-day sportsfest ang mga student athlete mula sa iba’t-ibang kapuluan ng bansa at sinuportahan ng MILO® Philippines.
Nakatakdang parangalan sa MILO® Batang Pursigido Awards ang mga atletang nagpakitang gilas sa Batang Pinoy na sina Adrian Jessie Magbojos ng City of Sta. Rosa (most bemedaled female athlete), Miguel Adrian Carlos ng City of Puerto Princesa (most bemedaled male athlete), City Pangasinan (pinakamalaking delegation), six-year-olds Art Joe Cabatan ng Davao de Oro at Hailey Bolico ng Pasig City (youngest male at female athletes).
Natigil ang Batang Pinoy nang umatake ang Coronavirus Disease-19 noong 2020 at tinuloy ngayong taon ng PSC sa liderato ni chairman Jose Emmanuel Eala. (CARD)
-
Pagbili ng mga bagong sasakyan ng DepEd, walang mali -Sec. Roque
PARA sa Malakanyang ay walang mali sa ginawang pagbili ng Department of Education ng mahigit na 166 bilang ng mga bagong sasakyan, kabilang na ang 88 truck. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matagal na itong planong bilhin ng pamahalaan. “Lahat ng napo-procure sa taong itong eh, matagal na iyong nasa […]
-
Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte
Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget. Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado. Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid […]
-
Ads March 3, 2023