• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos nanawagan ng ‘unity’ sa 2023

UMAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipino na magkaisa at maging solido bilang isang bansa sa pagharap sa mga darating na pagsubok ngayong taon.
Sa mensahe ni Marcos sa pagsalubong sa Bagong Taon, hangad niya na magpatuloy ang pagtutulungan para makamit ang pangarap na magandang kinabukasan para sa lahat.
Sinabi pa ng Pangulo na buhay ang Bayanihan sa mga Pilipino kaya tuloy ang pagsulong sa kabila ng mga balakid at pagsubok na siyang nagpapatatag at nagpapalakas sa lahat bilang isang bansa.
“I join the entire Filipino nation with hope and optimism in welcoming the New Year. I hope that we will draw strength and inspiration from what truly binds us together — our genuine love for our fellow Filipinos and our country. This is the essence of our call for unity and the impetus for our continued invitation to work together for the realization of our shared inspirations as a people,” pahayag ng Punong ehekutibo.
Sa kabila nito naniniwala naman si Marcos na sa sandaling magkaisa ang lahat ay malalagpasan natin ang lahat ng mga pagsubok at maiaangat ang bansa patungo sa kaunlaran at kaayusan.
Bukod pa rito, hinikayat din ng pangulo ang sambayan na manatiling matatag at patuloy na magkaisa sa tulong at gabay ng Diyos tungo sa mas maayos at masaganang kinabukasan.
“As we look forward to a fruitful and hopeful New Year, let us remain steadfast and united as ever as we ask the Almighty’s continued guidance in our journey toward a better, brighter and more prosperous future for our nation,” giit pa ni Marcos. (Daris Jose)
Other News
  • SYLVIA, wagi na naman ng Best Actress sa ‘Star Awards for TV’ dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Pamilya Ko’

    WAGI na naman si Sylvia Sanchez dahil sila ni JM de Guzman ang top winners sa katatapos lang na PMPC’s Star Awards for TV.     Tinanghal na Best Drama Actor si JM at Best Drama Actress si Sylvia dahil sa napakahusay nilang pagganap sa Pamilya Ko na nag-uwi naman ng Best Primetime TV Series.   […]

  • Kahit na pilay: Pingris, aayuda sa Gilas

    KAHIT NA hindi makakalarong muli sa Gilas Pilipinas, aasiste naman sa kahit anong paraan si Jean Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 International Basketball Federation o FIBA Asia Cup Qualifiers.   Sumugod pa rin ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok player sa ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) Gilas pool […]

  • Ika-400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, ipinagdiwang

    BILANG pagpupugay sa kasaysayan at pag-unlad, ginunita ng Lungsod ng Valenzuela ang ika-400th Founding Anniversary nito sa ilang mga programa at pagdiriwang para sa Pamilyang Valenzuelanos na ginanap sa makasaysayang San Diego de Alcala Church at Casa de Polo, nitong Nobyembre 12, 2023     Ito ang pinakaaabangang araw para sa Lungsod ng Valenzuela, na nag-ugat […]