• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30M Pinoys, makikinabang mula sa 6-year housing program

TINATAYANG 30 milyong Filipinos ang inaasahang makikinabang sa 6-year housing program ng administrasyong Marcos sa 2028.

 

 

 

Tinukoy ang  year-end report ng administrasyon, sinabi ng  Office of the Press Secretary (OPS) na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng  Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) ay nakikitang mapakikinabangan ng   30 milyong Filipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng   6.15 million housing units sa loob ng anim na taon.

 

 

 

Layon kasi ng programa na tugunan ang  housing backlog ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng  “decent and sustainable” na pabahay.

 

 

 

“Between the program’s launch in September until Dec. 22, the DHSUD has signed memorandums of understanding with some 47 local government units to help work on the housing initiative,” ayon sa OPS.

 

 

 

Inaasahan din ayon sa  OPS na magpapalabas si Pangulong Marcos ng isang executive order hinggil sa implementasyon ng batas na magbibigay mandato sa mga ahensiya ng gobyerno na  “jointly identify idle state lands suitable for housing and rural development.”

 

 

 

“Beyond the provision of shelter, especially to the underprivileged and calamity-affected families, the government is working towards building inclusive and sustainable settlements and well-planned communities,” ayon sa OPS, base na rin sa year-end report ng administrasyong Marcos.

 

 

 

Nauna rito, inamin ni Pangulong Marcos na ang pagtatayo ng isang milyong low-cost housing units kada taon hanggang sa matapos ang kanyang termino ay isang “ambitious target.”

 

 

 

Gayunman, nangako ang Pangulo na ang kanyang  administrasyon ay “try very, very hard.” (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, target na bakunahan ang 90% ng mga guro at estudyante bago matapos ang Nobyembre

    PUNTIRYA ng pamahalaan na tapusin ang pagbabakuna, kahit man lang 90% ng mga guro, estudyante at iba pang education personnel laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) bago matapos ang Nobyembre.   Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., hepe ng National Task Force (NTF) against Covid-19, bahagi ito ng paghahanda ng gobyerno para tiyakin na ligtas […]

  • ORDINANSA NA TUTUGON SA PROBLEMA NG MALNUTRISYON SA MGA BATA SA MAYNILA, NASA IKATLONG PAGBASA NA

    IPINASA ng Konseho ng Lungsod ng Maynila sa Ikatlong Pagbasa ang lokal na bersyon ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong tugunan ang problema ng malnutrisyon sa mga bata sa isinagawang regular na sesyon nitong Mayo 25.     Ang panukala, na tatawaging Masustansyang Pagkain para sa […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 1) Story by Geraldine Monzon

    Pinulot ng manghuhulang si Madame Lucia ang magkabuhol na kuwintas na nakakalat sa lupa sa tapat ng isang bakanteng apartment.     “Hmmm…hindi ito basta kuwintas lang. Nababalot ito ng kapangyarihan ng pag-ibig…at nararamdaman ko, makikilala ko na ang susunod na magmamay-ari ng mga ito…” ibinulsa ng matanda ang kuwintas at tinungo ang bakanteng apartment. […]