LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license
- Published on January 4, 2023
- by @peoplesbalita
Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon.
Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon ang problema sa tumataas na backlog. Nakatuon ang memorandum sa mga regional directors, division chiefs, district offices at lahat ng opisyal at empleyado ng LTO.
“All backlogs shall be completely addressed not later than Jan. 15, 2023,” wika ni Tugade. Ang memorandum ay nilagdaan ni Tugade noong Dec. 9.
Ayon sa report, ang backlog sa drivers’ licenses ay umaabot sa 92,000 cards simula nitong December. Ang backlog ay dahil sa kakulangan ng mga functional laser engravers at sa ginagawang repairs ng mga sirang units sa mga licensing centers sa buong bansa.
Nakalagay sa guidelines na ang mga motorista ay dapat dalahin sa pinakamalapit at accessible na LTO office kung saan may gumaganang machine. “LTO clients may also opt to undergo the end-to-end process, which includes capturing biometrics but without the issuance of the driver’s license card on the same day,” saad ni Tugade.
Bibigyan naman ang mga motorista ng printed official receipt na valid hanggang 30 araw. Habang ang mga LTO office naman ay makikipag coordinate sa ibang centers upang masiguro na ang driver’s license ay magagawa ng hanggang isang linggo.
Dagdag pa ni Tugade na hinihintay nila ang kanilang mga biniling spare parts ng mga laser printers na nasira dahil sa sensitivity at dahil na rin sa katagalan at sobrang gamit ng machines. LASACMAR
-
2025 budget hihimayin bago pirmahan – Palasyo
PATULOY pa ring sinusuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2025 national budget bago ito lagdaan upang matiyak na hindi lalabag sa Dagdag ng ahensya, karaniwang tumataas ang bilang ng mga sugat dulot ng paputok sa mga araw bago at sa mismong pagdiriwang ng Bagong Taon. Noong nakaraang taon, daan-daang insidente ng mga firecracker-related injuries […]
-
MARITIME SECTOR, TUTULONG SA 12 FILIPINO CREW NA NAGPOSITIBO SA COVID 19
HANDANG tumulong ang maritime sector ng Department of Transportation (DOTr),na binubuo ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine Coast Guard (PCG),kasama ang mga miyembro ng ahensya ng One-Stop Shop (OSS)Port of Manila sa lahat ng mga tripulanteng Pilipino na nagpostibo sa COVID-19 sakay ng container ship mula India. Sa […]
-
Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO
Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics. Ikinuwento ni Paalam ang […]