• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.

 

 

Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa kanilang mga commu­ters .

 

 

Hinanap din ng LTFRB board sa pangu­nguna ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga opisyal ng  Grab ang dokumento na nagpapaliwanag kung magkano at paano ang ginagawang pagsingil ng  surge fee sa kanilang mga commuters.

 

 

Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.

 

 

Sinabi ni Chairman Guadiz na dapat maipaliwanag ng maayos ng Grab ang isyu sa surge  fee dahil marami ang nagrereklamo hinggil dito.

 

 

“Ipaliwanag nyo ng maayos ang surge fee na sinasabing nagkaroon ng overpricing” sabi ni Guadiz sa Grab.

 

 

Ayon kay Inton, kinumpirma ng Grab na sila ay nasingil ng P85 surge fee  pero dapat anya ay P45 pesos lamang ito.

 

 

Muling itinakda ng LTFRB board ang hea­ring bukas, araw ng Huwebes (January 12) upang makapaglabas na sila ng desisyon para dito.

 

 

Ayon sa Grab, isusumite nila ang lahat ng kailangan ng LTFRB tungkol dito. (Daris Jose)

Other News
  • Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang

    INAASAHAN ng OCTA Research Group na ma­kapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]

  • Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita

    REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City.       Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 […]

  • Ads July 13, 2023