Nanggulat sa pagpayag na maging ‘calendar girl’: RIA, ipakikita na champion sa pagtataguyod ng body positivity
- Published on January 18, 2023
- by @peoplesbalita
MINAMARKAHAN ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl.
Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na naka-suot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture.
At ngayon at nanggulat nga ang na bahagi na si Ria Atayde sa prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo.
Ginawa ng White Castle Whisky ang di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizens nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kaunaunahan nilang White Castle Boy.
“We weren’t looking to take ourselves too seriously at the time.
Coming from the pandemic and working with our tagline ‘Dapat Light Lang’, we decided that we should
feature someone that had also persevered and created a following during the pandemic,” ayon kay Aaron
James Limpe Aw, na Executive Vice President ng Destileria Limtuaco. “Gumawa ng content para sa amin si
Ninong Ry created kaya naman naisipan namin na suportahan ang mga sumusuporta sa amin.”
Nuong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar
model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at
siya ang naging 2022 White Castle Calendar na talaga namang pinuri sapagkat ito ay inclusive at isang
tagumpay para sa LGBT community. “Nung umpisa, hindi naman talaga naming ito intensyon and it was
definitely a gamble. We knew there were those who would have negative reactions to our move,” sabi ni
Brandon Jon Limpe Aw, na VP for Administration ng Destileria Limtuaco.
Ganunpaman, naglikha ito ng malakas na alingawngaw sa media firestorm at napagtanto ng brand madami
pa itong maaaring gawin sa kanilang taunang kalendaryo. Gaya nga ng sabi ng Destileria Limtuaco
President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, “ni-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming mga
aktres at mga modelo. With that kind of clout, nag-desisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng
aming kalendryo para mag-launch ng iba’t-ibang klaseng causes at advocacies.”
“Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed
unrealistic and not representative of the everyday female,” sabi ni Limpe-Aw.
Ipinapakita ng newest calenday girl na si Ria, na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay ang kumpinsya at pagiging kumportable sa sarili.
“Beauty comes in countless forms, shapes, and sizes. At this day and age, hindi pwedeng i-kahon ang kagandahan,” sabi ni Ria.
“Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body.”
Wala namang naging problema sa pamilya ni Ria, dahil suportado siya nina Papa Art Atayde at Sylvia Sachez at maging si Cong. Arjo Atayde. For sure, proud na proud din ang boyfie na si Zanjoe Marudo sa new achievement na ito ni Ria.
Magkasama ang White Castle Whisky at si Ria Atayde sa paghatid ng positive at affirming message sa
malawak na diversity ng beauty at maraming uri ng pagiging confident at sexy sa pagnanasang yakapin ng
milyun-milyong mga kababaihan ang kanilang tunay na kapangyarihan habang lapit bisig sila na gawing
mas maganda ang mundo.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa White Castle Whisky at para sa mga kapanapanabik na news
updates ukol kay Ria Atayde, i-like ang White Castle Whisky sa Facebook.
(ROHN ROMULO)
-
‘My Working Team’ ipinakilala ni Tolentino para sa POC elections
PINATINGKAD ng tatlong gold medals sa magkasunod na Olympic Games at apat na ginto sa Asian Games tampok ang men’s basketball title ang pamamahala ni Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Olympic Committee (POC). Idagdag pa sa matagumpay na pagmamando ni Tolentino sa POC ang nakamit na overall championship sa pamamahala ng bansa sa […]
-
‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd
Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic. Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions. […]
-
Multa o community service sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal –MMDA
PAGMUMULTAHIN o gagawa ng community service ang isang indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal na itinuturong dahilan kung bakit nagbabara ang mga pumping stations sa Kalakhang Maynila. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos kung ang MMDA lamang ang masusunod ay ang kanyang mga nabanggit na […]