• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA

BAHAGI ng  tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items.

 

 

“This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng mas malaking buwis ang mga luxury goods sa harap ng panawagan na dagdagan ang kinukolekta sa mga mayayaman.

 

 

Sinabi ni Salceda, na siyang chairman ng House committee on ways and means na ito’y sa harap naman ng panawagan ng Oxfam International na patawan ng mas malaking buwis ang mga  “super-rich” sa bansa.

 

 

“The committee is particularly studying taxing wristwatches, bags, and other leather items above P50,000, private jets, luxury cars above P5 million, the sale of residential properties above P100 million, beverages above P20,000 per bottle, traded paintings above P100,000, among other items,” sabi ni Salceda.

 

 

Nauna nang sinabi ng Oxfam ang inequality na nararanasan sa Pilipinas kung saan mas malaki pa ang yaman ng siyam na pinakamayayamang Pinoy kumpara sa pinagsamang yaman ng kalahati ng populasyon ng bansa na aabot sa P55 milyong piso.

 

 

Sinabi ni Edillon na ang pagbubuwis sa luxury goods ay  “theoretically”, isang  buwis sa mga mayayaman.

 

 

“So maganda na rin ito para makatulong sa pagkuha ng revenue. It’s also a way for the more fortunate ones na makatulong,” anito.

 

 

Gayunman, sinabi ni Edillo na ang “good governance”  ang dapat na sukli o kapalit para sa  “mas mataas at bagong buwis.”

 

 

“[Dapat] napupunta sa maayos na proyekto na pang-development and poverty reduction,” ayon kay Edillon. (Daris Jose)

Other News
  • Kapuso network at NCAA, nagsanib-puwersa

    Mas excited na ang mga sumusubaybay ng grand finale, ng pinag-uusapang “The Philippine Adaptation ng “Descendants of the Sun” na magwawakas na sa Friday, on Christmas Day pa mismo, at 9:20PM, pagkatapos ng “Encantadia.”   Ang tanong, ano ang mananaig, ang pagmamahal sa tungkulin sa bayan ni Capt. Lucas Manalo – played by Kapuso Primetime […]

  • Murder suspect sa Navotas, arestado

    Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 […]

  • Unang international sports event na FIBA Asia qualifiers, hudyat nang pagbubukas ng PH – IATF

    Ipinagmalaki ngayon ng IATF ang magaganap na kauna-unahang international sports event sa Pilipinas lalo na ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa kabila na malaking problema pa rin ang pagharap sa COVID-19 crisis.     Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang FIBA Asia Cup Qualifiers na mangyayari sa Clark, Pampanga ay nagpapakita lamang na […]