• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tricycle driver naaktuhan nag-aabutan ng droga sa Valenzuela

BAGSAK sa kalaboso ang dalawang tricycle driver na sangkot umano sa ilegal na droga matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Anthony Delupio “Tonet”, 36, tricycle driver ng No. 6111 Upper Tibagan Gen T De Leon, at Roger Ramos, 44, tricycle driver ng 1072 Ugong.

 

 

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joel Madregalejo ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa Santos Compound, Brgy  Gen. T De Leon.

 

 

Agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ng mga ito si Delupio na may iniabot na isang plastic sachet ng umano’y shabu kay Ramos dakong alas-2: 45 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P500 seized money, coin purse at cellphone.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads December 30, 2020

  • GSIS non-life insurance premiums, pumalo sa record-breaking na P6.8 B noong 2022

    INIULAT ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang  record-breaking P6.8 billion  na gross premiums written (GPW) sa kanilang non-life insurance business para sa taong 2022.     Ito ang pinakamataas na naitala ng GSIS sa kanilang kasaysayan.     Ang 2022 GPW ng GSIS ay tumaas ng 15% mula sa P5.9 bilyong piso noong nakaraang […]

  • Metro Manila, Bulacan at Cavite makaranas ng water supply interruptions

    INANUNSYO  ng West-zone Maynilad Water Services na makaranas ng water supply interruptions ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, at Bulacan area simula Linggo dahil sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir.     Sinabi ng Maynilad sa isang advisory na ang mga customer sa mga bahagi ng Bulacan, Caloocan City, Makati City, Malabon City, […]