• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

18-anyos na factory worker, timbog sa damo sa Malabon

SWAK sa loob ng selda ang 18-anyos na factory worker na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos mabitag ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si Dave Victor Talastas, (Pusher/Newly Identified) ng No. 15 Bronze Street Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano St. corner Bronze St. Brgy. Tugatog, matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng illegal na droga ang suspek.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police sa suspek ng P200 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng marijuana ay agad siyang dinakip ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P3,600 at buy bust money.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • POLO, kitang-kita ang excitement sa mga mata ang pagiging isang ama kay Baby YATRICK PAUL

    KAHIT puyat, makikita pa rin ang excitement sa mga mata ni Polo Ravales ang pagiging isang ama sa kanyang baby boy na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg.      Nag-share sa social media si Polo ng first family photo nila ng kanyang fiancee na si Paulyn at ng kanilang baby boy na isinilang noong nakaraang […]

  • 600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas

    Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China.     Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo.     Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni […]

  • Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa desisyong ilayo ang MIF sa pamumulitika

    PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang Maharlika Investment Fund (MIF). Kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa. Ayon kay Pangulong Marcos tinanggihan nito ang panukala na siya […]