• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipagpapatuloy ang legacy at advocacy ni Susan: COCO, inamin na nasa puso na niya ang ‘the right one’

OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin.

 

 

Si Coco ang hinahanap at napiling ‘The Rite One’ para ipagpatuloy ang legacy and advocacy ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces, na mabigyan ng masa ng pagpili ng quality and affordable healthcare.

 

 

May kinalaman si Coco sa opening line ng TVC na, “Ang sabi ng lola ko, ‘wag mahihiyang magtanong…, bilang pagpupugay kay Ms. Susan at nagpapaalala sa mga tao sa kultura ng Pinoy, na nakikinig sa mga payo ng nakatatanda.

 

 

Pinasikat naman ng namayapang asawa ni Da King, Fernando Poe Jr. (FPJ), ang mga linya sa TV and radio commercials ns “Bawal ang Mahal” at “Huwag Mahihiyang Magtanong”.

 

 

Ayon sa actor-director ang adaptation ng famous tagline ni Ms. Susan ay,  “Una, para hindi tayo magkamali. Pangalawa, ang mga ang mga Pilipino po ay likas na mahiyain; tinuturuan tayo dito na may alternatibo.

 

 

“Pag naiisip natin na ‘mahal yan’, tinuturo sa atin ng RiteMed na may alternatibo na mas mura.”

 

 

Isa itong malaking pamana sa kanya ni Ms. Susan.

 

 

Samantala, sa press conference ng RiteMed last January 23, 2023, sa Luxent Hotel, natanong si Coco kung ready na siya sa pagsi-settle down.

 

 

“Normal lang akong tao. Actually kahit noong dati pa, naka-ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko,” sabi niya.

 

 

“Kung may dumating mang isang tao na siya makakasama ko sa habang buhay, nakahanda po.”

 

 

Dagdag pa niua, “Pero bago mangyari [yun], ang talagang hinanda ko po muna yung pamilya ko, yung mga kapatid ko.

 

 

“Kasi ang pangarap ko, ayoko yung ako meron, may maganda akong buhay, maayos yung tinitirhan ko, tapos yung mga kapatid ko hindi.

 

 

“Gusto ko pantay-pantay kami.

 

 

“Hindi man parehung-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako o paghahandaan ko na yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko na ang lahat ng buhay nila.

 

 

“Kasi sabi ko na mahirap nga po kasi na lumaki ka sa broken family. Pero, may advantage din po yun.

 

 

“Dahil lumaki ako sa broken family, ayoko mangyari sa buhay ko yun.

 

 

“Kaya sabi ko nga, kung naapektuhan man yung mga kapatid ko, hindi ko ginawang ano yun, kahinaan.

 

 

“Which is yun po yung nagpalakas po sa akin, para tumayo nng ganito, para lumaban.

 

 

“Kasi sa totoo lang po, mahiyain ako, e. Pero natuto ako dahan-dahan, lumakas yung loob ko, kumapal ang mukha.

 

 

“Bakit po, sinabi ko, ‘Pag ako naging mahina, paano yung mga kapatid ko?’

 

 

“Ginawa ko po, talagang nagsumikap ako – kayod, kayod nang kayod nang kayod.

 

 

“Hanggang ngayon po, kagaya ng kinukuwento ko, ngayong maayos na po sila, anytime, anytime po, nakahanda po ako para sa sarili ko.”

 

 

Sambit pa niya, “Kung naayos ko yung pamilya ko, handang-handa na rin po ako, magkakaroon po ako ng sarili kong pamilya.”

 

 

Inamin din ni Coco na natagpuan na niya ang ‘the rite one’ at nasa puso na niya ito.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bucks balik uli sa porma, Hornets pinayuko

    HUMAKOT si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points at 16 rebounds para pamunuan ang nagdedepensang Bucks sa 130-106 pagsuwag sa Charlotte Hornets.     Naglista si Jrue Holiday ng 21 points at 8 assists  habang kumolekta si Bobby Portis ng 20 points at 10 rebounds para sa Milwaukee (38-25) na kasosyo ang Cleveland Cavaliers sa No. […]

  • Pasinaya sa Casa De Polo at paglulunsad ng Coffee Table Book at Cultural Night sa Valenzuela

    BILANG bahagi ng pagwawakas ng selebrasyon ng ika-400 founding anniversary, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Casa de Polo sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang panauhing pandangal na si first lady Louise Araneta-Marcos.     Kasunod nito, ang paglulunsad ng coffee table book ng lungsod na nagha-highlight sa kasaysayan at pag-unlad ng […]

  • Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan – SWS

    NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan   Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.   Higit na mas mababa ito sa […]