Joel Embiid nagpakita ng MVP caliber na performance
- Published on February 1, 2023
- by @peoplesbalita
SINAPAWAN ni Joel Embiid si Nikola Jokic sa tapatan ng MVP candidates sa Philadelphia nitong Sabado.
Nagtistis si Embiid ng 47 points, 18 rebounds para ihatid ang 76ers sa 126-119 panalo laban sa Denver Nuggets sa Wells Fargo Center.
Sa huling dalawang seasons, 1-2 sina Jokic at Embiid sa botohan para sa MVP.
“He’s really talented,” ani Jokic, tumapos ng 24 points, 8 rebounds at 9 assists. “Really shifty.”
Nag-ambag ng 17 points, 13 assists si James Harden, nilista lahat ni Tobias Harris ang 14 points niya sa second half para sa Philly.
May 22 markers si Jamal Murray at 20 pa kay Michael Porter sa Nuggets.
Ikinalat ni Embiid ang 16 points niya a third na nagsindi sa 14-0 run para idikit 99-98 kaagahan ng fourth.
Siyam na beses nang umiiskor ng 40 o higit pa ngayong season si Embiid pero naisnab bilang starter sa All-Stars.
Pinagmulta pa siya ng NBA ng $25,000 bunga ng makulit na selebrasyon sa court matapos makakuha ng basket kontra Brooklyn noong Miyerkoles. (CARD)
-
8 sangkot sa droga nadamba sa buy-bust
WALONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta din sa pagkakabuwag sa isang hinihinalang drug den sa Valenzuela city. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at […]
-
Ravena biglang sumikat sa Asya sa paglalaro sa Japan
NAGING instant celebrity o agad nakilala si Filipino basketball star Thirdy Ravena ng fans mula sa Asya at iba pang bahagi ng mundo nang magsimula itong maglaro sa Japan Professional Basketball League. Ayon sa ulat, ang debut game nito bilang Asian import sa San- En NeoPhoenix na naka- streamed online ay umabot sa halos […]
-
Chicago sinapawan ang Brooklyn
Humugot si DeMar DeRozan ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para tulungan ang Chicago Bulls na talunin ang Brooklyn Nets, 111-107, sa banggaan ng top teams sa Eastern Conference. Binuksan ng Bulls (16-8) ang fourth period ng13-4 atake at iniwanan ang Nets (16-7) sa 92-86 mula sa short jumper ni […]