Kyle Smaine patay sa avalanche sa Japan
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
Patay si US skier Kyle Smaine matapos na matabunan sa naganap na avalanche sa Japan.
Isa ang 31-anyos na skier sa 13 nasawi sa naganap na avalanche sa Nagano, Japan.
Ayon sa mga otoridad na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang mga biktima na posibleng natabunan na.
Kuwento ng kasama nito na si Grant Granderson na isang photographer, na pinigilan na niya si Smaine na mag-ski subalit nagpumilit ito hanggang mangyari ang aksidente.
Si Smaine ay naging kampeon ng 2015 Freestyle ski and Snowboarding World Championship. (CARD)
-
9K pulis ikakalat sa 1,106 checkpoints sa ‘NCR Plus’
Magpapakalat pa ng karagdagang 9,356 pulis ang Philippine National Police sa mga quarantine control checkpoints na sakop ng NCR Plus bubbles. Sa ginanap na press conference, sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Binag, paparahin sa 1,106 checkpoints sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang mga motorista […]
-
Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam
MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng lungsod. […]
-
118 na ang mga nasawi sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Agaton
Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region. Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil […]