Gatchalian may malaking papel na gagampanan bilang Kalihim ng DSWD
- Published on February 2, 2023
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa gagampanang papel ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bigang bagong talagang kahilim ng Department of Social Welfare and Development DSWD).
Ayon kay Barzaga, ito ay bunsod na rin sa maayos na record ng mambabatas na nagsilbing local chief executive at kongresista.
Nagsilbi ng tatlong termino bilang mayor ng Valenzuela City, sinabi ni arzaga na ang kanyang pangangasiwa sa pangangailangan ng kanyang constituents ay makakatulong sa pag-upo bilang kalihim ng DSWD.
Si Gatchalian, na nagtapos sa George Washington University, ay kasama ng mambabatas sa kamara ng tatlong termino kung kaya batid nito ang kapasidad nito bilang isang public servant.
Naayon aniya ang bagong kalihim sa kanyang magiging papel dala na rin sa kaalaman nito sa pagtulong sa problema ng mahihirap na constituents na nangangailangan ng medical assistance, livelihood at iba pang basic services.
Bilang mayor, isa sa mga naging programa nito ang Barangay-Based Feeding Program (BBFP), na nagbibigay ng libreng pagkain sa mga malnourished children.
Mayroon din itong Kitchen-on-Wheels program o mobile kitchen na ginagamit ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para magpadala ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyo o disaster-stricken communities.
“It is therefore my honest opinion that our friend and colleague will succeed as Social Welfare Secretary not only because of his credentials but because of his genuine desire to serve the poor and uplift their lives,” ani Barzaga.
Una nang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Gatchalian bilang bagong kalihim ng DWSD nitong Martes (Enero 31). (Ara Romero)
-
40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA
DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng Mayo. Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang […]
-
DTI at mga attached agencies nito, nangakong mamadaliin ang pautang para sa mga small businesses
KAPWA nangako sina Labor Sec Silvestre Bello III ang Department of Trade & Industry at attached agency nitong small business corporation na ipa- fast track nila o pabibilisin ang pagproseso sa mga soft loans o pautang para sa mga micro and small business enterprises. Ito ay bilang pambayad ng 13th month pay ng mga […]
-
PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’
PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon. Paglalahad […]