• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Janella, nag-explain sa regalong ‘tinapa’ ng isang fan: JANE, malaki ang pasasalamat sa buong journey niya bilang ‘Darna’

NASA huling dalawang Linggo na lamang ang “Darna” ng ABS-CBN at magpi-finale episode na ito.  

 

 

Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon na sa buong journey niya ng pagiging Darna at pagkakagawa nito.

 

 

Sabi nga niya, “Kung walang Darna, wala po ako kung nasaan ako ngayon.”

 

 

 

Unaffected lang si Jane kung may mga bashers man siya o namba-bash pa rin. 

 

 

 

Sabi niya, “Parang wala naman… kasi po, ito po ang nangyari. Noong Darna ko po kasi, siyempre, ‘bakit siya?’ ganyan… ‘hindi siya deserving.’  I’m really thankful na noong nagsimulang mag-air ang TV series, ‘yung mga bashers po, naging fans ko na rin and ang daming sumporta.

 

 

 

“At sobrang nagtitiwala po ako sa ABS sa tiwalang ibinigay nila. Actually, kahit naman po tayo, you don’t know the person, may paborito tayong character sa mga movies, may bagong papalit.  

 

 

“I think, magda-doubt tayo and magja-judge tayo. I think, it’s not for us to judge someone and sana maging lesson ‘yon sa ating lahat.”

 

 

 

Sa ngayon, magre-rest lang daw  siya saglit after ng ‘Darna’ dahil marami na raw ang mga naka-line-up na projects siyang gagawin.  At looking forward na raw siya sa gagawin niya after ng Darna.

 

 


“I’m really excited kasi, it’s a new chapter for me. It’s like four years siguro na nandito ko sa role na ‘to and I’m really looking forward kung ano po ang next or ipo-portray kong character,” sey niya.

 

 

 

***

 

 

 

IPINALIWANAG muli ni Janella Salvador ang naging confusion niya sa natanggap na regalong tinapang bangus.

 

 

 

It turns out, taga-Bataan pala ang fan niya na nagregalo nito.

 

 

 

Bilang taga-Bataan din, gets na gets namin ang fan kung bakit ito ang naisip niyang iregalo sa actress. Talaga naman kasing masarap ang mga tinapa ng Bataan.  Sa part ni Janella, nagulat lang siya dahil nakabalot daw ito at may ribbon pa.

 

 

 

“Nakakatawa lang siya, sobrang favorite ko ang tinapa. Pero, nakakatawa lang, nagbubukas ako ng regalo, first time kong ma-experience. Inaantok na ‘ko. Maganda ang pagkaka-wrapped. Hindi ko inexpect, pero favorite ko ang tinapa.”

 

Sey pa niya, “From Bataan kasi I think, specialty pala nila ‘yon sa Bataan. Kaya ‘yon ang binigay sa akin.”

 

 

 

Sa isang banda, hinding-hindi na raw makakalimutan ni Janella habang buhay ang role niya bilang si Valentina/Regina sa Darna at itinuturing ito na isa sa mga best role na nagawa niya.

 

 

 

Mapapanood ang huling dalawang Linggo nito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z at TV5.

 

 

 

***

 

 

 

ISANG post na lamang ang makikita sa Instagram ni Mccoy de Leon, ito ay ang black and white photo nila ni Elisse Joson kunsaan, karga naman niya ang kanilang anak na si Felize.

 

 

 

Wala na lahat ng mga Instagram post niya at ang photo na iniwan niya ay dated July 9, 2022 pa.  Kung matatandaan, pagpasok pa lang ng bagong taon ay umamin na si Mccoy na wala na nga sila sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

 

 

 

Pero, nanatiling tahimik lang si Elisse sa lahat ng ito. Kahit na may isang social media influencer raw na nadikit ang pangalan kay Mccoy.  Pero sa kabila nito, nagulat ang marami sa magkasunod na sightings kina Mccoy at Elisse. Una sa Tagaytay at sumunod naman sa isang restaurant na ayon sa nag-upload na netizen, nakikita nilang masaya naman daw si Elisse.

 

 

 

So ngayon naman, ang biglang tila pagdi-delete o pagha-hide ni Mccoy sa lahat ng IG posts niya, except sa picture nilang tatlo. Parang ang dating pa nga nang iniwan niyang picture kunsaan, nakatalikod sila, tinatalikuran na niya ang lahat ng mga nangyari at senyales na ng bagong simula muli.

 

 

 

Siyempre, masaya ang mga McLisse fans na sa ikalawa o kung pang-ilan man na pagkakataon ay nagkabalikan ang mga ito. Pero siyempre, may karugtong na sana raw, totohanan na talaga ngayon.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Facebook, patuloy na nagpa-flag, delete, ‘spam’ ng mga PNA posts

    SA KABILA ng kawalan ng paghingi ng paumanhin dahil “nagkamali”, patuloy naman ang ginagawa ng social media giant Facebook (Meta) na pagbawalan ang mga netizens na mag-post at mag-share ng mga piling stories o istorya mula sa Philippine News Agency (PNA) website para sa di umano’y paglabag laban sa “community standards”.     Sabado ng […]

  • MGA NAGPAREHISTRO SA ELEKSIYON 2021, UMABOT SA HALOS P3M

    UMABOT na sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2022.     Ayon sa Comelec, simula ito noong nakalipas na taon nang ibalik ang pagpapatala sa gitna ng pandemya hanggang nitong Mayo 15.     Sa inilabas na datos  ng Comelec, pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang […]

  • League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System

    Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila. – Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, […]