• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Feeling blessed sa magkasunod na serye: GABBI, kasama sa pagbabalik-tambalan nina RICHARD at JODI

FEELING very blessed si Global Endorser Gabbi Garcia dahil after niyang gawin ang mystical primetime mega-serye na “Mga Lihim ni Urduja,” may kasunod agad siyang bagong project.  

 

 

Makakasama ni Gabbi ang mga kapwa Encantadia stars niya na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez, kasama rin nila sa cast sina Jeric Gonzlaes, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at ang nagbabalik-GMA Network, si Sunshine Dizon.

 

 

Ang kanilang serye ang sinasabing siyang papalit sa malapit na ring magtapos na historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo.

 

At kasunod nga agad ay naka-schedule nang magsimulang mag-taping si Gabbi ng new project niya, ang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN series, ang “Unbreak My Heart,” na makakasama niya si Kapuso actor Richard Yap, at mga Kapamilya actors na sina Jodie Sta. Maria at Joshua Garcia, with director-actress Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Maey Bautista, Will Ashley, and Bianca de Vera.

 

 

Collab din ng GMA at ABS-CBN ang Viu Philippines, kaya ang serye ay ipalalabas in 15 countries outside the Philippines.

 

 

Nagkaroon muna ng get together and bonding ang buong cast, staff, crew at mga bosses ng GMA, ABS-CBN at Viu Philippines.

 

 

Magsisimula na silang mag-taping any day now dito sa atin, bago sila pumunta ng Italy at Switzerland, para sa ibang eksenang kukunan doon.  This year, mapapanood na ang “Unbreak My Heart.”

 

 

***

 

AFTER ten years bilang host ng GMA Network’s morning talk show na “Mars,” balik-acting muli ang dramatic actress na si Camille Prats.  Parating na nga ang bagong seryeng tiyak na magpapaiyak sa mga Kapuso viewers sa GMA Afternoon Prime, ang “AraBella.”

 

 

Makakasama ni Camille ang mga young stars na sina Shayne Sava at Althea Ablan.  Muling susubukan ang husay sa drama nina Shayne, na unang napanood sa “Raising Mamay” with Ai Ai delas Alas, at Althea, sa “Prima Donnas.”

 

 

Iikot ang kuwento sa paghahanap ni Roselle (Camille) sa kanyang nawawalang anak.  Matapos ang ilang taon, makikilala niya si Ara (Shayne) at magiging malapit ang loob nila sa isa’t isa.  Pero hindi pala si Ara ang nawawala niyang anak.

 

 

Magiging complicated lalo ang kanilang sitwasyon dahil sa pagbabalik ng tunay niyang anak, si Bella (Althea).

 

 

Sino ang mas deserving sa pagmamahal ni Roselle, ang anak na salbahe o ang ampon na mabait?  Abangan ang world premiere ng “Arabella” sa February 27, 3:25pm sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NALALAPIT na ang pagtatapos ng top-rating historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network, pero patuloy pa rin ang pagtanggap ng serye ng parangal sa iba’t ibang award-giving bodies.  Last Monday, January 30, tinanggap naman nila ang Special Citation from the Knights of Rizal,  Ginanap ang awarding during the organization’s 23rd International Assembly at the Manila Hotel.

 

Ayon sa organization, the series “is playing a huge role in ‘rekindling (this generation), the ideals of freedom and nationalism.’  Seeing that copies of the novels are being bought again, the organization also praised the hit show for helping schools educate learners on Rizal.  The citation was signed by the Supreme Commander and Angono Vice Mayor Sir Gerardo V. Calderon.    The show  creator Suzette Doctolero and two of the “Maria Clara at Ibarra” writers, J-mee Katanyag and Brylle Tabora graced the occasion to receive the award.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads October 25, 2022

  • PH aquatics team nagtakda ng Open Tryout para sa Cambodia SEAG

    Inatasan ang Stabilization Committee  ng World Aquatics (dating FINA) Bureau na mangasiwa sa swimming sa Pilipinas sa pagsasagawa ng open tryout para matukoy ang komposisyon ng koponan na pupunta sa 2023 Cambodia SEA Games.   Nakatakda ang tryout sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.   Isang direktiba […]

  • PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC).   Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]