• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.

 

 

Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.

 

 

Aniya, sa nasabing panukala binibigyan ng kapangyarihan ang Maharlika Investment Corporation na mangutang.

 

 

Dagdag pa nito na kung talagang kumbinsidong itong mga nagpanukala ng Maharlika Investment Fund, bakit aniya kailangan pang ilagay na may kapangyarihan ang korporasyon na mangutang.

 

 

Para kay Pimentel, “wishful thinking” ang sinasabi ni De Leon.

 

 

Noong Nobyembre 2022, tumaas ang utang ng Pilipinas sa P13.6 trilyon.

 

 

Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong itatag ang Maharlika Investment Fund, ay inihain ng mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Inaprubahan na ng lower chamber ang kanilang bersyon noong Disyembre noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • PWAI kinalampag ang POC

    MALAKAS na kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro.   Pinapanawagan ni elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC na saklolohan silang makapag-eleksiyon ng […]

  • Marcos, nangakong tatapusin ang infra projects ‘ sa tamang oras

    NANGAKO si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya ” sa tamang oras” ang  infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon.     “We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s […]

  • QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN

    NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City.   Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19  ay doon na magpagaling.   Nitong nagdaang […]