• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang NBA stars, hindi pa tiyak na sasali sa Olympics

Wala pang katiyakan ang ilang NBA stars kung maglalaro sila sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

 

Ilan sa mga dito ay sina Golden State Warriors player Stephen Curry, Andre Wiggins at Damian Lilard ng Portland Trailblazers.

 

Halos magkakapareho ang kanilang kasagutan na hindi pa nila matiyak kung sila ay sasabak sa Tokyo Olympics.

 

Isa kasing inaalala nila ay ang banta pa rin ng COVID-19.

 

Nauna rito inilabas na ng USA Basketball Team ang 44 finalists isasabak sa Olympics.

 

Hindi naman nababahala dito si USA basketball coach Gregg Popovich dahil may ilang mga manlalaro pa silang pinagpipilian.

Magsisimula ang Olympics sa Hulyo 23 at magtatapos ng Agosto 8, 2021.

Other News
  • Sotto patuloy ang paglaki

    Mas lalo pang tumangkad si Kai Sotto na magi­ging malaking tulong sa nakatakdang pagsabak nito sa NBA G League na lalarga sa susunod na buwan sa Orlando, Florida.   Isang pulgada pa ang itinangkad ni Sotto na mayroon nang 7-foot-3 sa huling update ng kanyang height na ipinost nito sa kanyang social media account.   […]

  • PBBM, nakakuha ng P9.8-billion investment pledges

    TINATAYANG umabot sa  P9.8 billion ang investment na  pledged na nakuha ng Pilipinas sa kamakailan lamang na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapwa niya  world leaders at European business officials sa  Commemorative Summit sa pagitan ng  Association of Southeast Asian Nations at European Union (ASEAN-EU) sa Belgium.     Si Pangulong Marcos, kasama […]

  • Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara

    NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.     Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.     Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para […]