• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakasama muli sina Vic, Sylvia at Martin: ICE, kinakabahan pa rin kapag may big concert

MADAMDAMIN ang last taping day ni Dennis Trillo para sa hit serye na Maria Clara At Ibarra.

 

Gumanap siya sa serye bilang Crisostomo Ibarra sa unang bahagi ng serye, kung saan inilahad ang kuwento ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Nang tumawid ito sa kuwento ng ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, agad ding nag-transition si Dennis bilang ang misteryosong alahero na si Simoun.

 

Hindi naman napigilan ng cast at crew ng serye na palakpakan i-cheer si Dennis nang matapos nito ang huling eksena niya sa set.

 

Ibinahagi ng Spanish language coach ng serye na si Roven Alejandro sa isang TikTok video na ang mga tagpo sa last taping day ni Dennis.

 

“Maraming salamat, ginoo, sa inspirasyon na patuloy mong ibinabahagi sa amin,” sulat niya sa video.

 

Makikitang bahagi rin ng eksena sina David Licauco, Kim de Leon, Luri Vincent Nalus, Jon Lucas, at Chai Fonacier.

 

Kumuha rin si Dennis ng litrato kasama si series director Zig Dulay.

 

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

 

***

 

NAKAGUGULAT pero kinakabahan pa rin pala si Ice Seguerra kapag may performance.

 

Kahit mahigit tatlong dekada na sa show business ay aminado ang singer na kinakabahan pa rin siya sa tuwing may big concert ito.

 

Sa darating na February 18, gagawin ang kaniyang Becoming Ice anniversary concert sa Waterfront Cebu City.

 

Unang isinigawa ni Ice ang kanyang 35th anniversary concert noong October 2022 sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

 

Sabi ng “Pagdating ng Panahon” singer tungkol sa kaniyang Cebu show, “Woooooh! Naaalala ko when we first did the show sa Solaire. Ibang klase yung kaba at stress na naramdaman ko. It’s always a different feeling headlining a major concert at kahit ilang taon ko na ginagawa to, hindi nagababago yung pre-show jitters.

 

“Pero nung isa-isa nang nag confirm yung mga guests, gumaan pakiramdam ko coz I knew I’d be sharing the stage with friends. Napakaswerte ko na kahit big names sila sa industriya, mabilis na “yes” agad when I asked them to be part of the show.”

 

Makakasamang muli ni Ice sa kaniyang concert si Bossing Vic Sotto at aktres na si Sylvia Sanchez, na co-producer ng concert. Mapapanood din sina Martin Nievera, Bayang Barrios at Frenchie Dy sa Becoming Ice concert.

 

***

 

PASABOG ang mga rebelasyon ni Pokwang sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tulad na lamang ng inihayag ni Pokwang na hindi boto ang kanyang ina sa pakikipagrelasyon niya kay Lee O’Brian.

 

“Naging matigas ang ulo ko. Ayaw ng nanay ko sa kanya,” anang Kapuso comedienne na humingi ng tawad sa kanyang ina na namayapa na matapos na mauwi sa masaklap na hiwalayan ang relasyon nila ni Lee.

 

“Ma sorry. Sorry Ma hindi ako nakinig sa ‘yo. Sorry po. Kailangan ko po ng yakap niyo Ma. Nami-miss ko na si Mama, pero ‘di ba ayokong sumama,” sabi ni Pokwang.

 

Unti-unting nanghina ang ina ni Pokwang dahil sa dementia, hanggang sa pumanaw ito noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya.

 

Ipinaabot din ni Pokwang sa mga anak ang aral na kaniyang natutunan matapos ang hiwalayan nila ni Lee.

 

“Magtira kayo para sa sarili niyo mga anak. Kasi ‘yun ang hindi ko ginawa. Magtira kayo para sa sarili niyo para kapag dumating ang tamang tao meron pa kayong isi-share na pagmamahal para sa tamang tao sa buhay niyo,” pahayag niya.

 

Sa parehong panayam, nagtapat si Pokwang na may kinalaman sa pera at third party ang naging paghihiwalay nila, na taliwas sa mga una niyang pahayag.

 

Inilahad ni Tito Boy na bukas ang “Fast Talk with Boy Abunda” para sa panig ni Lee O’Brian.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • ‘Wag ninyo akong gawing punching bag! – Sara

    Binanatan ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senator Koko Pimentel at Ronwald Musayac, executive director ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), dahil sa diumano’y paninisi sa kanya sa pagkakawatak ng partido.     Sinabi ni Sara na hindi siya isang ‘Last Two Minutes’ person at hindi siya papayag na maging isang political punching bag […]

  • Proseso sa pagbili ng PS-DBM ng PPEs, face mask wastong nasunod; walang ‘overpricing’ – COA

    Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na walang iregularidad sa proseso nang pagbili ng PS-DBM ng mga personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.     Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni COA chairman Michael Aguinaldo na hindi inikutan ng PS-DBM ang procurement laws sa pagbili […]

  • Skyway 3 libre ang toll sa loob ng 1 buwan

    Ang mga motorista na dadaan sa 18-kilometer Skyway Stage 3 ay walang babayaran na toll sa loob ng isang buwan na gagawin para sa soft opening nito.   Ayon kay San Miguel Corp. (SMC) president at chief operating officer Ramon Ang, ang SMC ay naglaan ng apat (4) na lanes ng expressway kung saan maaaring […]