De Los Santos hakot ng 3 golds
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
“It’s raining golds” ang bumungad para kay World No. 1 Orencio James De Los Santos sa araw ng Martes nang kumana ito ng tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa hiwa-hiwalay na torneo.
Tunay na humanga sa galing ng Pinoy karateka ang mga hurado matapos nitong ilatag ang kanyang world-class performance sa E-Karate Games 2020 third edition, second Euro Grand Prix E-Tournament 2020, at Rome International ENDAS Karate Cup.
Hindi nakaporma sa tikas ni De Los Santos si Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa gold-medal match, 25.5-23.6, para makuha ang ginto sa E-Karate Games 2020 third edition.
Tuloy ang mainit na ratsada ng Cebu City pride sa second Euro Grand Prix E-Tournament 2020 matapos patumbahin si Domont Matias Moreno ng Switzerland, 25.3-23.6, tungo sa gold-medal performance.
Magarbong tinuldukan ni De Los Santos ang three-tournament rampage nito sa Rome International ENDAS Karate Cup kung saan iginupo ng Pinoy karateka si Alfredo Bustamante ng Amerika, 25.1-24.
Umabot na sa 29 gintong ang nalilikom ni De Los Santos sa online tournaments upang kapitan ng husto ang unang puwesto sa world rankings.
Hindi matinag si De Los Santos sa No. 1 spot tangan ang 13,745 puntos habang nasa malayong ikalawang posisyon si Eduardo Garcia ng Portugal (8,890) at ikatlo naman si Moreno (6,990).
-
ALDEN, hesitant noong una pero nagustuhan ang kakaibang role sa bagong teleserye; sisimulan na ang movie pagbalik ni BEA
PAALIS na pala si new Kapuso actress Bea Alonzo para magbakasyon ng ilang araw sa USA. Gusto raw munang mag-recharge ni Bea, dahil pagbalik niya sa bansa ay sisimulan na niya ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na Pinoy adaption ng Korean film, ang A Moment To Remember, na co-production venture […]
-
DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project
TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon. Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay […]
-
Basketball rings sa QC, pinagbabaklas
DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City. “Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila […]