Fare discount sa seniors, PWDs at estudyante, pinaalala ng LTFRB
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
MULING ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na ang pagkakaloob ng 20 percent discount sa mga pasaherong elderly, PWDs at estudyante.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na may karampatang parusa ang hindi susunod sa batas hinggil dito bukod sa parusang igagawad sa kanila ng LTFRB.
Alinsunod sa RA 11314 o “Student Fare Discount Act” na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, makakatanggap ng 20 percent discount sa pamasahe ang mga estudyante tulad ng mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa alinmang public utility vehicle (PUV).
May hiwalay pang kautusan ang LTFRB hinggil dito sa ilalim ng naipalabas na Memorandum Circular No. 2017-024 na nagbibigay ng diskwento sa mga estudyante, senior citizen, at PWD.
Nakasaad sa LTFRB memorandum na makakatanggap ang mga estudyante ng diskwento sa pamasahe simula Lunes hanggang Linggo, maging sa panahon ng summer break, at mga legal at special legal holiday sa mga PUVs tulad ng public utility bus, public utility jeepney, taxi at iba pang katulad na vehicles-for-hire, tricycle, train, aircraft, at marine vessels.
-
Ads May 3, 2021
-
Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 2,604,040 nagpapagaling pa: 106,160, […]
-
PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw. Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan […]