Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.
Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and Development Authority (LTFRB) upang makiusap na buksan ang interchanges sa EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue.
“We made the request in response to the numerous complaints we received from motorists. While we fully support the national government’s transportation initiatives, particularly the EDSA Bus Carousel project, we have to do a balancing act so that we won’t compromise the welfare of those using EDSA,” wika ni Belmonte.
Nagmungkahi din si Belmonte na muling buksan ang ibang U-turn slots na sinara ng national government upang bigyan daan ang EDSA Bus Carousel project.
Nakita rin na ang pagbabawas ng lanes sa Balintawak Cloverleaf upang lagyan ng exclusive lane ang EDSA Bus Carousel ay nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa nasabing lugar.
Ayon pa rin sa kanya kung mapagbibigyan sila sa kanilang pakiusap ay makakaasang magkakaron ng improvement sa mga nasabing lugar lalo na at palapit na ang kapaskuhan at dahil na rin sa pagluluwag ng general community quarantine guidelines.
“The city government is ready to work with authorities to find ways in improving the flow of traffic in intersections, U-turn slots and bus loading bays within the city,” dagdag ni Belmonte.
Sinabi rin ni Belmonte na nagdagdag sila ng traffic enforcers sa mga affected na lugar at nakipagusap na rin sila sa MMDA upang buksan ang mga access roads upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng traffic.
Dagdag pa niya na ang local government ng Quezon City ay naghahanap rin ng mga iba pang solusyon upang bigyan ukol ang mga sikip na pangunahing lansangan sa lungsod lalo na ngayon Yuletide season.
Si MMDA general manager Jojo Garcia naman ang nagsabi na ang traffic engineers ng kanilang ahensiya ay pinag-aaralan kung maaaring gawin ang muling pagbubukas ng EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue interchanges ganon din ang ibang U-turn slots sa EDSA upang mabawasan ang pagsisikip ng traffic sanhi ng pagsasara ng mga ito.
Nakikipag-ugnayan na ang MMDA kay QC Mayor Belmonte tungkol sa proposal na ito. (LASACMAR)
-
Pfizer vaccine iturok sa mahihirap – Duterte
Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibibigay sa mga mahihirap ang COVID-19 vaccine na gawa ng US-based Pfizer-BioNTech na nanggagaling sa COVAX Facility. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kautusan ng Pangulo ay batay sa patakaran ng COVAX facility. “Ipinag-utos din po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga […]
-
Pares vendor na hinoldap at binaril sa Maynila, pumanaw na
Binawian na ng buhay ang pares mami vendor matapos sumailalim sa major operation sa Philippine General Hospital (PGH) kamakalawa ng gabi, Pebrero 25. Ayon sa bunsong kapatid ng biktimang si Samson Bautista, na si Sidney Bautista Mercado, alas 9:21pm nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid. Pahayag pa ng kapatid, natanggal naman umano […]
-
PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development. Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga […]