• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

123 aftershocks niyanig ang lalawigan ng Masbate

PATULOY na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate.

 

 

Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw.

 

 

Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang ng mga aftershocks na yumanig sa naturang lalawigan.

 

 

Nasa 44 dito ang naitala bilang plotted earthquakes, habang nasa 13 naman ang naramdaman.

 

 

Anila, ang naturang mga aftershocks ay mayroong lakas na 1.5 hanggang 4.2 na magnitude.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang major damages ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Masbate na niyanig ng lindol ngunit nagpapatuloy pa rin anila ang ginagawang assessment ng local disaster response units hinggil sa mga pinsalang tinamo ng nasabing lalawigan.

 

 

Habang suspendido na rin naman ang lahat ng mga klase at trabaho sa buong Masbate bilang bahagi pa rin ng pag-iingat. (Daris Jose)

Other News
  • First time ng aktor na mag-host ng magazine show: AGA, ‘di nagdalawang-isip na tanggapin ang offer dahil gustong magpasaya

    EXCITED si Aga Muhlach sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng NET 25 para mag-host ng magazine show titled Bida Ka Kay Aga.     First time ng aktor to host a magazine show at ayon kay Aga, part of the challenge ay ang pasayahin ang kanyang mga producers sa magiging outcome ng programa.   […]

  • PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, DAPAT GOV’T-TO-GOV’T TRANSACTION – DUTERTE

    MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China.   Ang katwiran ng Pangulo, mas bukas kasi ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities.   “Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped address, […]

  • Request sa GMA na pagsamahin uli sa serye: Nabubuong loveteam nina BARBIE at DAVID, tanggap ng mga netizens

    ACCEPTED ng mga netizens ang nabubuong love team nina Barbie Forteza at David Licauco, at sila pa ang nagbuo ng Team FiLay sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.”       Open din sa mga fans ang real love story nina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto. Si David naman ay […]