• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 patay, 1 kritikal sa pamamaril ng kapitbahay sa Caloocan

NASAWI ang tatlong babae, kabilang ang 72-anyos na biyuda habang nasa kritikal naman na kalagayan ang asawa ng isa sa namatay matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang si Lourma Orbe, 72, at kanyang manugang na si Angelica Orbe, 39, kapwa ng No. 299 Gen. Luna St. Brgy. 10, habang dead-on-arrival naman sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang kanilang kapitbahay na si Mary Jane Abary, 48.

 

 

Ginagamot naman sa naturang pagamutan ang asawa ni Angelica na si Christian Orbe, 38, sanhi rin ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

 

 

Hawak naman ng Caloocan City Police ang suspek na kinilala bilang si William Jaymee Sy, 46, ng No. 296 Gen. Luna st. Brgy. 10 na nahaharap ngayon sa kaukulang mga kaso.

 

 

Base sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, naganap ang insiente sa pagitan ng bandang alas-6:40 ng gabi hanggang 7:09 ng gabi sa Gen. Luna St., Corner  5th St., Brgy. 10.

 

 

Sa salaysay sa pulisya ng saksing si Shebo Orbe, 36, armado umano ang suspek ng mga baril at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong babae.

 

 

Mabilis namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek at narekober  sa kanya ang isang 9mm pistol na may isang magazine at 23 bala, isang cal. 38 revolver na may anim na bala, 12 gauge shotgun na may walong bala, folding knife, cellphone, ammunition box at glock box para sa 9mm.

 

 

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung anu ang motibo ng suspek sa pamamaril sa mga biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads August 11, 2023

  • ONLINE SELLER TIMBOG SA BARIL

    KULONG ang 27-anyos na online seller matapos magpakilalang pulis at makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng mga tunay na pulis sa checkpoint sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, maliban sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, mahaharap din si Persius Corrales […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa  Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng […]