• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANGINGISDANG NAVOTEÑO INAYUDAHAN NG BFAR

UMABOT sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

Binisita ni Cong. John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang pangkat ng mga benepisyaryo na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng bigas, dalawang manok at dalawang tray ng itlog.

 

“We are grateful to the Department of Agriculture and BFAR for extending help to our fisherfolk. Navotas is the first local government in Metro Manila to receive such assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Hanggang Agosto 2020 ay 8,811 ang naitalang rehistradong mangingisda sa Navotas.  Sa bilang na ito, 7,291 ang kwalipikado sa BFAR subsidy makaraang magsagawa ng cross matching ang ahensya sa iba pang government assistance programs.

 

Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaro ang mga fishing crew, tinder at negosyante ng isda, mga istibador, fish farmers, at iba pang nasa pangisdaan ang hanapbuhay.

 

Nag-alok din ang BFAR ng aabot sa P25,000 pautang na walang kolateral at interes. May kabuuang 577 Navoteñong mangingisda ang nag-apply sa programa. (Richard Mesa)

Other News
  • DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible

    NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16  o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa.     Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga […]

  • Malakanyang, kinondena ang pagpatay kay Mayor Aquino

    KINONDENA ng Malakanyang ang nangyaring pagpatay kay Calbayog City, Samar province Mayor Ronald Aquino.   Ang pangamba ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay simula na ito ng political violence bunsod ng papalapit na 2022 elections.   “Kinukondena po natin iyan dahil ang karapatang mabuhay po ay ang pinakaimportanteng karapatan. Nanunumbalik po kami at naalarma na […]

  • MRT 3 pinabilis ng hanggang 50 kph

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinabilis na ang andar ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) hangganag 50 kilometer per hour na siyang kauna-unahang pangkakataon sa loob ng anim (6) na taon.   “The increase has reduced the time between trains to four to five minutes for 20 trains at 50 kph, from […]