• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lola patay sa sunog sa Caloocan

ISANG 65-anyos na lola ang nasawi matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Natagpuan ang katawan ng biktimang si Joanna Macawili, 65, ng mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) sa bathtub ng nasunog nilang bahay sa Marigold Street, BF Homes, Barangay 168.

 

 

Nagawa namang makaligtas ng apat na kasama sa bahay ng biktima kabilang ang dalawang menor-de-edad matapos mabilis na nakalabas sa nasusunog na bahay.

 

 

Sa halip namang makalabas ng bahay ang biktima nang sumiklab ang sunog dakong alas-3 ng madaling ay napunta ito sa loob ng banyo kung saan siya natrap.

 

 

Hindi na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan na umabot lang sa unang alarma at tuluyan naapula dakong alas-4 ng madaling araw.

 

 

Patuloy na inaalam ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy. (Richard Mesa)

Other News
  • Presyo, supply ng noche buena items, ‘stable’ – DTI

    Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon.   Pagtitiyak ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa harap ng pagkukumahog ngayon ng publiko na humabol mamili ng handa para sa Pasko at Bagong Taon.   Sinabi […]

  • Pamilya bibilhan na ng bahay ni Mark Magsayo upang makaalis na sa squatter area

    BUTUAN CITY – Matinding kasiyahan ang naramdaman ng mga mamamayan sa Bohol matapos manalo si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa kanilang away ni American boxing champion Gary Russel Jr. kung kaya’t kanyang nakuha ang World Boxing Council o WBC featherweight belt.     Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inilhayag ng ama ni Mark na […]

  • “Ang sining ay inklusibo, nauukol sa lahat ng tao” – NCCA Chairman Lizaso

    LUNGSOD NG MALOLOS- “Ang sining ay hindi eksklusibo para sa ibang tao. Ang sining ay inklusibo. Kasama dito ang lahat. Para dapat ito sa lahat: sa tindera sa palengke, sa nagmamaneho ng tricycle, sa mga estudyante, sa mga opisyal ng pamahalaan. Nauukol ito sa lahat ng tao mula sa lahat ng antas ng buhay.”   […]