• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ ibinaba ang piyansa ng mahihirap na preso para ‘patas,’ ‘batay sa kakayahan’

IPINAG-UTOS ng Department of Justice sa mga piskal na ibaba ang piyansang inirerekomenda para sa pansamantalang kalayaan sa mga mahihirap na isinasakdal sa kasong kriminal upang lalong mapaluwag ang mga kulungan.

 

 

Ito ang nasasaad sa Department Circular 11 ng Kagawaran ng Katarungan na siyang nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Aniya, alinsunod ito sa Republic Act 10389 o Recognizance Act of 2012.

 

 

“[In] the interest of social justice and to afford justice for all, and in line with existing laws, all prosecutors in the Department shall henceforth consider the financial capacity of the accused when recommending the amount of bail in criminal informations for filing in court,” ayon sa circular.

 

 

“At the start of the inquest or preliminary investigation proceeding, the investigating prosecutor shall inquire from respondent where or not he or she claims indigency.”

 

 

Kinikilala ng RA 10389 ang karapatan ng isang tao na mabigyan ng recognizance, o paglabas sa pagkakapiit, kung wala siyang kapasidad makapaghain ng piyansa dahil sa sobra-sobrang kahirapan maliban kung reclusion perpetua o life imprisonment ang parusa sa reklamo.

 

 

Ayon sa Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology, seryoso na rin kasi ang problema ng pagsisiksikan sa mga kulungan at detention facilities sa ngayon.

 

 

Dati nang iniutos ng Korte Suprema sa Administrative Circular 38-2020 ang pagpapataw ng mas mababang halaga ng piyansa para sa mahihirap na persons deprived of liberty habang gumugulong pa ang kanilang kaso.

 

 

Sa Article 3 ng 2021 Revised Public Attorney’s Office OPerations Manual (PAO Manual), maaaring umapela ng mas mababang halaga ng piyansa kung ang itatakda ng hukom ay labas na sa pinansyal na kakayahan ng akusadong suspek.

 

 

“These guidelines shall apply to all cases undergoing inquest or preliminary investigation proceedings,” sabi ng DOJ.

 

 

Oras na ianunsyo ng akusadong siya’y indigent at walang ebidensyang paulit-ulit siyang inirereklamo, maaari siyang magsumite ng mga sumusunod:

 

 

huling income tax return, pay slip o patunay ng sahod/kita

 

 

certificate of indigency mula sa Department of Social Welfare and Development

 

 

Certificate of Indigency/no income mula sa Office of the Punong Barangay/Barangay chairperson na sumasakop sa kanya

 

 

Matapos ang inquest o preliminary investigation proceedings at ma-determine ng piskal na ituloy ang kaso sa korte, dapat niyang banggitin sa criminal information na 50% lang ng inirerekomendang piyansa o P10,000 (kung ano ang mas mababa) ang ilalagay katabi ng recommended bail.

 

 

“[M]akakatulong ito sa ating mga kababayan na kadalasang naaapi sa dating systema. Ngayon, binibigyan natin ng importansya sa batas ang mga karaniwang tao,” wika ni Remulla sa isang hiwalay na pahayag.

 

 

“Hindi dapat ginagamit ang systema ng hustisya para guluhin ang buhay ng trao. Doon tayo sa tama, doon tayo sa karapat-dapat lamang.”

 

 

Nauna nang itaas ni Remulla ang “threshold” ng pagsasampa ng kaso sa korte. Sa isang circular, sinabi ni Remulla na dapat iatras ng mga piskal ang kaso kung walang “reasonable certainty of conviction,” ito mula sa naunang threshold na “probable cause.”

 

 

Sa pamamagitan ng dalawang circular na ito, sinabi ng DOJ chief na inaasahan nilang “quality criminal cases” lang ang maisasampa, na siya ring magdedecongest sa court dockets.

 

 

Inaasahan ngayon gn DOJ na mabibigyan ng pansamantalang kalayaan sa pamamagitan ng piyansa ang maraming PDLs. (Daris Jose)

Other News
  • Followers ni KRIS, umaasang mapapanood na nila sa isang talk show

    BASE sa teaser na pinost ni Kris Aquino sa kanyang IG account at FB page nitong Miyerkoles ng gabi at binanggit niya ang PURE AT GOLD, posible kayang mapanood na siya sa isang talk show at ang Puregold ang producer niya?   “And there’s not much left of me, what you get is what you […]

  • Karate magtatayo ng bubble training camp sa Laguna

    HINIHINTAY na lamang ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSFP) ang go-signal mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) para makapagtayo ng bubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna upang paghandaan ang nalalapit na Olympic Qualifying Tournament.   Ayon kay KSFP president Richard Lim, kumpiyansa silang masisimulan na […]

  • Nora, nakatakdang gawin ang short film na ‘Henerala Salud’

    NAKATAKDA palang gawin ni Superstar Nora Aunor ang Henerala Salud na life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna, who turned rebel against the Americans.   Ayon kay Nanding Josef, Artistic director ng Tanghalang Pilipino, ang magpu-produce ng short film on the 67-year-old Salud Algabre, ay ang Tanghalang Pilipino (TP), in time for the […]