Higit 34 milyong SIM, rehistrado na
- Published on February 23, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 34 milyong SIM cards sa buong bansa ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs).
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo, hanggang nitong Pebrero 19, kabuuang 34,483,563 SIMs na ang nairehistro sa ilalim ng SIM Card Registration Act.
Ito aniya ay 20% ng kabuuang 168,977,773 SIMs sa buong bansa.
Sa naturang bilang, 17.7 milyon ang subscribers ng Smart; 14.172 milyon sa Globe at 2.61 milyon ang DITO telecom.
Muli namang nanawagan si Lamentillo sa publiko na magparehistro na upang hindi ma-deactivate ang kanilang ginagamit na SIM cards.
“Pagkatapos ng implementation period at hindi nai-register ang inyong SIM card, hindi ninyo na po magagamit ang inyong SIM,” aniya.
Ang pagrerehistro ng SIM cards ay sinimulan noong Disyembre 27, 2022.
Mayroon lamang 180 araw ang mga users o hanggang Abril 26, 2023 para magrehistro.
-
DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines
NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think […]
-
Mga kabataan, puwede na sa malls-Sec. Año
PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls ang mga kabataan basta kasama ang kanilang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine. Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun […]
-
Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official
SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan. Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito. Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong […]