• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Devon, inili-link na ngayon sa kanya… DAVID, naka-focus sa career kaya single pa rin hanggang ngayon

SA usapang “mana”, lahat ay nakikinig.

 

 

At tulad ng pagka-hook sa newest romantic-comedy on TV, ang ‘GoodWill’, na napapanood sa NET25 every Sunday at 4 pm right before the show ‘Korina Interviews’.

 

 

Eto ang latest sa inaabangan every weekend.

 

 

Sa Episode 6 ng ‘GoodWill’, si Lloyd Patawad (David Chua), isang wannabe rockstar at na-scam at nagka-utang-utang! Buti na lang at may malaki siyang mamanahin!

 

 

Pero sa sobrang laki ng mana, may mga kondisyon pa siyang dapat sundin bago mapasakanya ang mana mula kay Mama.

 

 

Masolusyunan kaya niya ang malaking trobol na napasok? Paano?

 

 

Hindi pa nga tapos ang isyu sa nawawalang bracelet, mukhang may panibagong problema na naman ang barkada?!? Magkaroon na kaya ng kasagutan sa iisang tanong ng lahat… “Sino nga ba ang kumuha ng bracelet ni Sarah (Devon Seron)?”

 

 

Eto pang si Chef Alex, nakaka-starstruck talaga ang kagandahan, pang beauty queen!… Pang beauty queen din kaya ang kalooban?

 

 

Si Lodi Lloyd, mukhang give all na sa pagiging trabahador ng GoodWill Resort, give up na nga ata talagang maging “rockstar”… Huh?!

 

 

So, hindi nakapagtataka na marami ang nahu-hook sa “Goodwill” tuwing Linggo.

 

 

Kasama nina David at Devon Seron sa ‘GoodWill’ sina Raymond Bagatsing, Smokey Manoloto, Kat Galang, Ryan Rems at James Caraan.

 

 

Samantala, single pa rin 33-year old ang actor/director/businessman at choice daw niya yun dahil masaya siya sa kanyang buhay.

 

 

Dumaan naman siya pagkakaroon ng girlfriend, pagloloko at pambababae.

 

 

At ngayong 30 plus na siya, ang gusto niya ang susunod niyang mamahalin ay ‘yun na ang kanyang pakakasalan at magiging asawa at ina ng kanyang anak.

 

 

Sa ngayon ay naka-focus si David sa kanyang buhay at sa career, bilang actor at director (‘Korina Interviews’).

 

 

Pero ano kaya itong ginagawang tsika ng netizens, na nagsasabing bagay daw sina David at Devon, nang makita nilang magkasama sa Boracay, na malamang nagti-taping sila para sa kanilang show.

 

 

Ang nakakaaliw pa, binigyan pa sila ng name na ‘ChuRon’, kaya ngayon babantayan na sila kung magiging made-develop ba at magiging ‘couple’ din sila.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kelot nagbigti dahil sa depresyon

    Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.     Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.     Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong […]

  • Liquor ban inalis na sa Navotas

    Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.     Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula […]

  • TOM, gumawa ng special poem at video para sa 35th birthday ni CARLA; walang celebration dahil parehong nasa lock-in taping

    KAHIT nasa kani-kanilang lock-in taping ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, hindi sila nawawalan ng communication sa isa’t isa.     Nitong nakaraang 35th birthday ni Carla, gumawa ng special poem at video si Tom para sa kanyang fiancee na kasalukuyang nasa lock-in taping ng teleseryeng To Have And To Hold. […]