• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako ng 6M housing units sa pagtatapos ng kanyang termino

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatayo ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng “National Pabahay Para sa Pilipino Housing” (4PH)  ng 1 milyon na housing units kada taon o 6 million units sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.

 

 

“Layunin po ng programang ito na makapagpatayo ng isang milyong pabahay sa bawat taon ng aking termino bilang Pangulo. Dahil ang kakulangan ng housing para sa ating mga kababayan ay tamang-tama umabot na sa 6 million ang kulang. Kaya’t hinahabol po natin ‘yang 6 million na numero na ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama sina Cebu Governor Gwendolyn Garcia, Cebu City Mayor Michael Rama, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Speaker Martin Romualdez ang  groundbreaking ceremony ng  Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa  South Road Properties (SRP) sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City.

 

 

Ang housing project sa SRP at iba pang  4PH housings ay dinisenyo  para sa minimum wage earners, informal settlers, sa mga nakatira sa  danger zones, at iba pang miyembro ng  poor communities na naghahangad ng  mura,  simple, at komportableng bahay.

 

 

Tiniyak din ng Pangulo na ang gobyerno ay mag-aalok ng  “affordable monthly payments” para sa mga nasabing  housing units.

 

 

“Sisiguruhin natin na mananatiling abot-kaya ang buwanang hulog at bayad para sa mga bahay na ito kaya patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang maging matagumpay ang programang ito.,” aniya pa rin, siniguro sa publiko na ang housing units na itatayo ay de-kalidad at kayang tumayo kapag may kalamidad.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Pangulo na ang proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng pasilidad gaya ng eskuwelahan, pamilihan, health centers, at ilang  economic structures sa komunidad.

 

 

“Therefore, it cannot be just a house. We need all the needs as I mentioned: markets, schools, even churches, also for children to play, not far from the work of the parents, this is all necessary to think about,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Sunog sa Manila Central Post Office, dahil sa sumabog na baterya ng sasakyan

    AKSIDENTE lamang umano ang sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong nakaraang buwan.     Ito ang naging resulta nang isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagsabing ang apoy ay nagmula sa sumabog na  baterya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang magliyab at tumupok […]

  • P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas

    MAHIGIT sa P1 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) para sa sickness at death bene­fits ng public at private healthcare workers at mga hindi health workers  na tinamaan at matatamaan ng COVID-19 habang nagsisilbi sila sa gitna ng pandemya.     Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng […]

  • PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

    BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.       Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]