• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GRUPO NG MGA MIDWIFE SA BUONG BANSA, UMAPELA SA DOH

UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector.

 

 

Ayon kay Patricia Gomez, Executive Director ng Integrated Midwife Associations of the Philippines, Inc., o IMAP, isa sa kanilang hinaing ay ang Administrative Order 2012-0012 na nagsasaad na bawal sa kanila na magpaanak ng panganay at pang limang anak, dahil diumano ito ay nasa high risk level na.

 

 

Dagdagn pa rito ang iba’t-ibang dagdag na bayarin at penalty na nakaugat sa nasabing kautusan mula sa ahensya.

 

 

Dagdag pa ni Aileen Gay Vinoya Chapter President ng IMAP Rizal/Marikina chapter, “kami pong mga midwives ay masunurin at tumutulong sa aming kapwa, masunurin po kami sa lahat ng pinapagawa ng DOH at PHILHEALTH subalit hindi kami kinikilala, pinapatawan pa kami ng violations”

 

 

Tinukoy pa ni Vinoya ang Section 3 Article 12 of 1987 Philippine Constitution, dapat panatilihin ito ng gobyerno. “Pagtiwalaan nyo kami, may aral po kami registered po kami, paano namin tutulungan ang gobyerno pinapatay nyo kami, nagsara na ang ibang clinic kasi di kami nababayaran ng Philhealth”

 

 

Dagdag pa Vinoya na dahil sa panggigipit ng gobyerno ay nasasagasaan na ang kanilang karapatang magpractice ng kanilang propesyon, ang mga private lying-in clinic owners ay partners ng gobyerno, wag nyo kaming isantabi, isali nyo kami sa health system ng gobyerno wag nyo pong isantabi kaming mga midwives. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Other News
  • Komite sa adverse effect ng umaarangkada ng pagbabakuna, nakahanda na

    PREPARADO na ang deployment plan ng National Adverse Event Committee na siyang tatanggap ng mga ulat na may kinalaman sa adverse effect na mararanasan ng isang nakatanggap na ng bakuna.   Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive director of Philippine Foundation for Vaccination nakahanda na ang komite sa pagtanggap at pagkuha ng impormasyon hinggil sa […]

  • Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA

    NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista.     Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing.     Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General […]

  • Makeover sa Manila Bay gamit ang dolomite sand, matatapos

    TINIYAK ng Malakanyang na matatapos ang makeover ng Manila Bay gamit ang dinurog na dolomite sand sa kabila ng ulat na ang artificial sand na inilalagay ng pamahalaan ay nawa-washed out lang papuntang karagatan.   Ang environment department ay naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.   “The Bayanihan Law, which allows President Rodrigo Duterte […]