Ginebra nasungkit din ang PBA All-Filipino crown makalipas ang 13-yrs
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Inabot din ng 13 taon bago muling nasungkit ng Barangay Ginebra ang most coveted title na All-Filipino crown matapos talunin ang TNT Giga sa Game 5, 82-78.
Hindi na pinakawalan pa ng Ginebra ang abanse mula sa second half hanggang sa pagtatapos ng game sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.
Tinanghal na best player of the game si Japeth Aguilar na kumamada ang 32 big points bilang kanyang career high at may dagdag na nine rebounds.
Binigyan naman ng kredito ni Aguilar sa tibay din ang Giga na kahit kulang ng players ay pinahirapan din sila.
Nitong game hindi pa rin nakalaro sina Bobby Ray Parks Jr. at si Jayson Castro.
“I want to give credit to TNT, alam namin they are down on injuries pero ready talaga silang lumaban,” pahayag pa ni Aguilar.
Samantala, ang ika-13 korona ng Gin Kings ay lalong nagpatibay kay head coach Tim Cone bilang winningest coach para sa kanyang ika-23 titulo sa PBA.
Sa kanyang talumpati inialay ni Cone ang korona sa mga fans, kasabay nang kanyang pagbabalik tanaw sa hirap na dinaanan ng kanilang team lalo na ang isa sa veteran player na si LA Tenorio na bago lamang inoperahan (appendectomy) sa pagsisimula ng tanging torneyo sa taong 2020.
“They found a way to win, I’m so proud of them… amazing, amazing feat.” pagbubunyi pa ni Cone sa mga players.
Tinanghal pa bilang PBA Press Corps Honda Finals MVP si Tenorio na merong average na 13.6 points per game at 6.2 assists at 2.8 rebounds sa loob ng limang games sa Finals ng 2020 Philippine Cup.
Kahit matagal na si Tenorio sa liga ito pa lamang ang kanyang kauna-unahang All-Filipino title.
Sa kabilang dako ito na ang ikalawang sunod na kampeonato ng Ginebra na namayani rin sa 2019-20 Governors Cup noong buwan ng Eero.
Narito ang scores:
Barangay Ginebra 82 – Aguilar 32, Pringle 13, Tenorio 10, Dillinger 8, Thompson 6, Mariano 5, Chan 3, Caperal 3, Devance 2, Tolentino 0
TNT Giga 78 – Pogoy 23, Erram 18, Enciso 17, Rosario 12, De Leon 6, Vosotros 2, Carey 0, Reyes 0, Montalbo 0, Washington 0
Quarters: 19-19, 38-36, 55-56, 82-78
-
Mga debris ng rocket ng China posibleng mahulog sa ilang bahagi ng Pilipinas – Philippine Space Agency
MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Space Agency ang debris mula sa rocket ng China na Long March 7A (CZ-7A) na maaaring mahulog ang mga debris nito malapit sa Cagayan at Ilocos Norte. Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China nila ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island […]
-
Eala inspirado kay Nadal
SOBRA ang pagkaganado sa ngayon sa pagpapraktis ni Alexandra Eala, ang ating alas sa mga paligsahan sa women’s at junior girl’s singles-doubles ng Women’s Tennis Association (WTA) at International Tennis Federation (ITF). Ito ay nang makatabi ng 16-anyos, 5-9 ang taas na Pinay netter buhat sa Quezon City ang 21-time Grand Slam men’s […]
-
Stephen King’s The Long Walk Adaptation Zeroes In On First Cast Members
THE Long Walk adaptation is confirmed for filming in July 2024, with potential leads Copper Hoffman and David Jonsson. The premise suggests the need for multiple male actors, this Hoffman and Jonsson possibly portraying the main characters. Hoffman and Jonsson, though not officially confirmed, have promising resumes for their potential roles in The […]