• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di rin sila nakalilimot gumawa ng TikTok videos: JULIE ANNE, proud na si RAYVER ang ka-partner sa dalawang serye

DALAWANG projects ang proud si Julie Anne San Jose na kasama niya si Rayver Cruz. 

 

 

Ito ay ang YouTube mini-series na “Pag-ibig Na Kaya” at ang “The Cheating Game” ng GMA Pictures.

 

 

Kasama na rin siyempre ang pagiging host nila sa GMA singing contest na The Clash Season 5.

 

 

Sey ng Asia’s Unlimited Star na isang blessing daw na naging partner niya si Rayver sa mga projects niya dahil ramdam niya ang pagiging masigasig nito sa trabaho at never daw niyang narinig na nagreklamo ito kahit alam niyang pagod na ito.

 

 

“Kasi, para mag-work ‘yung mga kasi eksena talaga, you have to get to know the person. And I’ve known Rayver for quite a long-time. We’ve been really-really close,” sey pa ni Julie.

 

 

Bukod sa kanilang mga projects, hindi raw sila nakalilimot na gumawa ng mga TikTok videos para sa mga ever-loyal fans ng loveteam nila na JulieVer.

 

 

Ang mga pampakilig na duets at sayaw daw nila sa TikTok ay para sa mga fans nila na hindi nagsasawang sumuporta sa mga ginagawa nilang shows sa Kapuso network. Hindi nga raw mabubuo ang JulieVer kung hindi dahil sa mga fans nila.

 

 

Nagpasalamat din si Julie sa mga sumubaybay sa Maria Clara At Ibarra hanggang sa pinakahuling episode noong nakaraang February 24.

 

 

Marami raw nakamit na parangal ang show, pero ang pinaka-espesyal daw ay ang maibalik nila sa mga kabataan ngayon ang importansya ng pagbabasa ulit ng mga libro at bigyang halaga ang pagiging isang Pinoy.

 

 

Post pa ni Julie: “Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra. Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara.

 

 

“Higit sa lahat, maraming salamat sa inyo gabi-gabi, nakakataba ng puso ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa programang ito. Hanggang sa muli, ito po ang inyong Maria Clara delos Santos Y Alba, isang maalab na pagpupugay sa kasaysayan ng Pilipinas, salud!”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Motor banca na may sakay na 13 pasahero, tumaob sa Boracay

    TUMAOB ang isang motor banca sa bisinidad ng Puka Beach sa Barangay Yapak, Boracay Island noong Biyernes, Pebrero 28.   Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station at Special Operations Unit-Aklan sa tumaob na “Fantastrip Noel” dakong alas-11:46 ng umaga.   Ayon sa PCG, habang umaangkla, sinalpok ng malalaking alon ang “Fantastrip […]

  • 3 SUGATAN SA SUNOG SA MALABON

    SUGATAN ang tatlong katao, kabilang ang isang fire volunteer habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential na mga kabahayan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, bandang alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa […]

  • Tansingco, hinikayat na magsumbong sa service caravan

    HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga residente sa Iloilo at kalapit na lugar na isumbong ang mga illegal na dayuhan sa kanilang intelligence team.     Sinabi ito ni Tansingco sa kanilang service caravan sa kanilang Mindanao leg para sa kanilang “Bagong Immigration” caravan.     “We are serious in […]