Malakanyang, siniguro na hindi mangyayari sa Pilipinas ang panunuhol ng Sinovac sa ibang bansa
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na hindi masusuhulan ang mga eksperto sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mabilis na pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga manufacturer ng COVID vaccine.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang mapaulat ang sinasabing pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa ibang bansa, para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang mga papeles at magamit ang kanilang produkto sa bansang susuplayan nito.
Ani Sec. Roque, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga vaccine expert at sa Food and Drugs Administration (FDA), na siyang mag-aaral sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Aniya, dalawa lang ang magiging basehan kung maaaprubahan ang bakuna sa bansa, at ito ay ang safety at efficacy ng gamot. (Daris Jose)
-
Kelvin, nag-react sa pagiging ‘Kapuso Drama Prince pero happy sa binibigay na atensyon
MASARAP daw ang handa ngayong Pasko sa bahay nila Kelvin Miranda dahil sa magkakasunod na blessings na dumating sa career niya. Isa nga sa nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center si Kelvin kamakailan at inamin niyang na-overwhelm siya sa pinakitang suporta sa kanya ng Kapuso network. “First […]
-
3 timbog sa baril at halos P.2 milyon shabu
Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Eyahn Galverio, 31, Rosylynjoy Luching, 21, at […]
-
PDu30, binalaan ang NPA
“What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin” Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado. “They do not have ideology. Wala na […]