• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fil-HK venture nanalo sa bidding ng P24B tunnel deal

ISANG Fil-HK venture ang nanalo sa P24 billion na tunnel deal na gagamitin sa pagtatayo upang pagdugtungin ang North-South Commuter Railway (NSCR) at Metro Manila Subway Project (MMSP).

 

 

 

Isang notice of award mula sa Department of Transportation (DOTr) ang binigay para sa Contract Package (CP) S-03B ng NSCR sa joint venture ng engineering giant First Balfour Inc. at Hong Kong – based Leighton Asia.

 

 

 

Ang CP S-03B ay nagkakahalaga ng P23.92 billion kasama na ang $14.63 million at 21.38 euros na inilaan sa civil works ng tunnel na gagawin upang magdugtong ang NSCR at MMSP.

 

 

 

Ang dalawang nasabing kumpanya ay kinuha upang magtayo ng 6.1kilometer railway kasama ang 4.7 km underground railway at 1.7 km at-grade rail. Itatayo rin ang estasyon ng FTI-NSCR kung saan pagdudugtungin ang segment hanggang estasyon sa Senate ng MMSP.

 

 

 

“The joint venture was extended 2,160 calendar days to deliver CP S-03B. As it stands, the DOTr has no yet to award CP 108 of the MMSP covering the Lawton to Senate tranche, where the subway will be linked to NSCR,” ayon sa DOTr.

 

 

 

Pagkatapos ng CP S-03B, ngayon March ay inaasahang magkaron ng awarding ng kontrata para sa CP S-030A na siyang magkukumpleto sa Manila-Taguig line (CP-03B).

 

 

 

Kapag natapos na sa 2028, ang P873.62 billion NSCR na pinondohan ng Japan ay isang rail line mula sa Clark International Airport hanggang Calamba sa Laguna.

 

 

 

Ang kumpanyang Leighton Asia ay isang unit ng CIMIC Group na kilalang may portfolio at expertise sa pagtatayo mula building design at civil infrastructure hanggang mechanical works kasama na ang gas sa mga kliente nito sa Asia at Pacific.

 

 

 

Sila ang nagtayo ng West Kowloon Terminus Station, isang pinakamalaking underground railway station sa buong mundo kung saan kasama ang Guagzhou-Shenzhen-Hong Kong Express Rail Link.

 

 

 

Samantalang ang First Balfour ay may track record naman sa planning at paggagawa ng high-value buildings at infrastructures sa larangan ng transport, water at power.

 

 

 

Kabilang na sa ginawa ng Balfour ay ang rail extension at structural rehabilitation ng Light Rail Transit Line 1. Sila rin ang kinuha upang magkaron ng expansion ang  ngayon ay depot ng LRT1 at ang pagtatayo ng Cavite extension.

 

 

 

Ang iba pa na proyekto ng Balfour kasama ang D.M. Consunji Inc. at ang Spanish multinational Acciona S.A. ay ang paggawa at pagtayo ng Cebu-Cordova Link Expressway ng Metro Pacific Group. Sila rin ang gumawa ng road widening ng North Luzon Expressway at ang tulay ng Subic.

Other News
  • Proseso ng Hajj pilgrimage visas, tuloy kahit may COVID-19

    NAG-ABISO ang National Commission on Muslim Filipinos sa mga Pilipinong may balak na sumabak sa Hajj pilgrimage sa Hulyo na ituloy ang paghahanda ng kanilang visa papers para rito.   Ito ay matapos na ianunsiyo ng pamahalaan ng Saudi Arabia na bawal sumabak ang mga dayuhan sa Umrah pilgrimage sa naturang bansa, bilang pag-iingat sa […]

  • Kabisera ng marathon sa Pilipinas

    LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’.   Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang […]

  • 2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang

    DALAWA pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela.     Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina ­Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang  Lungsod na […]