• February 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, personal na nakiramay sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo

PERSONAL na nakiramay si  Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

“I just came here here para makiramay sa family ni governor. Nagtatanong lang kami kung ano ba yung kailangang gawin para matulungan yung mga biktima pati yung mga nasa ospital ngayon,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Nandyan yung ibang mga kamag-anak, asawa ng mga namatay kaya’t nakausap din natin at sinabi ko lang sa kanila na makakaasa sila na magkakaroon ng hustisya dito sa inyong probinsya na naging masyadong magulo,” dagdag na wika nito.

 

 

Nangako naman ang Pangulo na bibigyan ng scholarships ang mga anak ng mga kasama ni Degamo na napatay din sa insidente at babalikatin ang medical fees  ng mga sugatan.

 

 

Sa ulat,  sa isang FB live ay kinumpirma mismo ni Pamplona Mayor Janice Degamo, misis ni Gov. Degamo na binawian na ng buhay ang kaniyang mister at limang iba pa  kabilang ang mga staff ng gobernador  matapos pagbabarilin sa kanyang bahay habang namimigay ng ayuda o 4Ps sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental nitong Sabado ng umaga, Marso 4.

 

 

Lumilitaw rin sa imbestigasyon na tatlo ang getaway vehicles na ginamit ng mga suspect na kinabibilangan ng Mitsubishi Pajero (NQZ 735), Izuzu pickup (GRY 162) at Mitsubishi Montero (YAP 163) na inabandona sa Brgy. Kansumalig, Bayawan City, Negros Oriental. Nasa 10 armadong suspect ang nakitang tumakas sa lugar kabilang ang mga lookout.

 

 

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman ang biyuda n Degamo na si widow Pamplona Mayor Janice Degamo sa effort ng Pangulo na bumista sa lamay ng kanyang asawa.

 

 

“Na-touch din po talaga kami. Alam ko yung pagiging President hindi madali, lahat ng kaharap niya sa araw na ito kami nakaharap niya ngayon,” ang sinabi ni Janice sa mga mamamahayag.

 

 

“We have requests. Mahirap ibigay yung justice dahil may proseso doon. That is just one of the many works President does so appreciate talaga namin,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa niya na nakakalap na sila ng matibay na ebidensiya hinggil sa di umano’y mastermind.

 

 

Samantala, kasama naman ng Pangulo Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa pagbisita sa lamay ni Degamo. (Daris Jose)

Other News
  • Malalang korapsiyon sa Pilipinas

    UNANG pumutok ang korapsiyon sa ating bansa matapos ipahayag ni Senator Manny Pacquiao na diumano’y talamak na ito sa ating pamahalaan at ito’y trumiple  pa kumpara sa nakalipas na administrasyon. Agad naman ito pinabulaanan ng kaslukuyang pamahalaan, anila ang naturang Senador ay namumulitika lang dahil sa kanyang political ambition kasabay ng isang hamon na pangalanan […]

  • POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD GAWING SIMPLE at ISA LANG PARA sa LAHAT NANG MAIWASAN NA MALITO ng TAO

    Marami na sanang natuwa nang inanunsyo ng Malacañang na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shield. Rekomendasyon din ito ng IATF at Metro Manila Mayors sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 to 3.       Sa public transport ay hindi na rin requirement ang face shield para makasakay ang […]

  • LAKERS, ISUSUOT ANG ‘BLACK MAMBA’ JERSEY SA GAME 5 NG NBA FINALS

    SUSUOTIN ng Los Angeles Lakers ang kanilang “Black Mamba” uniform, na dinisenyo bilang pagpupugay sa namayapang si Kobe Bryant, sa darating na Game 5 ng NBA Finals.   Ayon sa mga impormante, maliban noong Game 2 ay sa Game 7 pa raw sana nila susuotin ang black alternative uniform.   Pero sa Sabado kasi ay […]