Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.
Matatandaang kabilang ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.
Sisipa ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.
Ayon pa kay Samoura, kapuri-puri ang pagsabak ng mga bagong koponan dahil makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili. (CARD)
-
Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM
PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa ngayon. Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29, bahagi ng talumpati […]
-
Ads September 16, 2021
-
‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI
Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu. Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente. Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na […]