• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTR may mungkahi na babaan ang pamasahe sa PUVs

ISANG internal memorandum ang ginawa ng Department of Transportation (DOTr) kung saan kanilang minumungkahi na babaan ang pamasahe sa mga public utility vehicles (PUJs) sa buong bansa.

 

 

Kinumpirma naman ni DOTr undersecretary Mark Steven Pastor na ang nasabing memorandum ay may katotohanan subalit hindi pa ito final at hindi pa official na dapat ay ilalabas sa publiko lalo na sa media.

 

 

Ayon sa isang report na nilabas ng GMA News ang nasabing memorandum ay pinaguutusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ang pamasahe sa mga traditional at modern jeepneys, buses at UV Express.

 

 

Iminumungkahi na magkaron ng P3 rollback sa mga traditional jeepney at maging P9 na lamang mula sa dating P12 at P11 naman sa mga modern jeepney mula sa dating P14. Habang ang buses ay magkakaron ng rollback na P3 hanggang P4.

 

 

Hindi naman nakalagay ang fare cut figures sa UV Express. Sinabi rin ng LTFRB na dahil wala ng programa ng Libreng Sakay ngayon taon, kanilang minumungkahi na magkaron at bigyan ng discount ang mga pasahero.

 

 

Dagdag pa ng report na ang mababang pamasahe ay temporary lamang hanggang ang P2.16 billion na programa sa service contracting ng LTFRB ay hindi pa nauubos.

 

 

Sa kabilang dako naman, nagkaron ng resolusyon ang Supreme Court (SC) na kinukumpirma ang iba’t ibang halaga ng multa sa mga traffic violations kung saan ang mga drivers, transport operators at grupo sa transportasyon ay nagsabing ang mga multa ay hindi makatarungan at unconstitutional.

 

 

Isang consolidated na petisyon ang inihain ng iba’t ibang operators, drivers at grupo sa transportasyon kung saan hinahamon nila ang constitutionality ng Department Order 2008-39 at ang amendments version ng Joint Administrative Order (JAO) 2014-01 na ginawa ng at ipanatutupad ng Department of Transportation at Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa ginawang 69-page na desisyon ng SC na sinulat ni Associate Justice Jhosep Lopez, ang high court ay nagsabing ang pagpapataw ng mas mataas na multa ay kailangan upang maitaguyod ang public safety at welfare. LASACMAR

Other News
  • McGregor pinayuhang magpokus sa boxing

    Pinayuhan ng ilang eksperto si Ultimate Figh­ting Championship (UFC) superstar Conor McGregor na tigilan muna ang UFC kung nais nitong makuha ang inaasam na mega fight kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.     Mismong si boxing legend George Foreman na ang nagsabi na mas makabubuting ituon muna ni McGregor ang konsentrasyon nito sa […]

  • Bayanihan muna, huwag bangayan sa usapin ng community pantry

    BAYANIHAN muna, huwag bangayan.   Ito ang pakiusap ng Malakanyang sa mga kritiko at nagsasabing nagagamit ang community pantry para pangtakip sa kabagalan ng pagkilos ng pamahalaan na magbigay ng tulong sa patuloy na apektado ng pandemya.   “Well, alam ninyo po yang community pantry, that showcase the best in the Filipino character po. Iyan […]

  • Bilang ng mga turistang umaalis sa bansa, mababa pa rin

    MABABA pa rin ang bilang ng mga umaalis na turistang Filipino sa kabila na ng pagtanggal nila ng departure restrictions at pagpayag sa non essential outbound travel.   Base sa datos kahapon, 95 na mga Filipinos ang umalis sa ilalim ng tourist visa sa kabuuang 1,172 na mga Flipinos na umalis, kaibahan sa 64 na […]