• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng mga turistang umaalis sa bansa, mababa pa rin

MABABA pa rin ang bilang ng mga umaalis na turistang Filipino sa kabila na ng pagtanggal nila ng departure restrictions at pagpayag sa non essential outbound travel.

 

Base sa datos kahapon, 95 na mga Filipinos ang umalis sa ilalim ng tourist visa sa kabuuang 1,172 na mga Flipinos na umalis, kaibahan sa 64 na umalis sa kaparehas na arw noong nakaraang Linggo kung saan tanging ang mga may dahilan ng kanilang pagbiyehe ang pinapayagan.

 

“The number of travelers remain low,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente. “It could mean that Filipinos still feel hesitant to travel internationally during the pandemic,” ayon pa kay Morente.

 

Gayunman, inaasahan nila na tataas ito sa darating na mga pista opisyal.

 

Pero nagpaalala pa rin si Morente na patuloy pa rin ang arrival restriction. “We are monitoring any policy change set by the IATF and the Office of the President, and we are ready to implement these as they may deem fit,” ayon sa BI Commis- sioner. (Gene Adsuara)

Other News
  • Cayetano kay Velasco: Kung gusto ni Duterte, magiging speaker ka

    IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang dapat pang pag-usapan sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring sumira sa napagkasunduang ‘term sharing’ ng speakership sa Mababang Kapulugan ng Kongreso.   Makaraang ituro si Velasco bilang nasa likod nang planong coup d’ etat laban […]

  • Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

    SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”     Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.     Post naman ng aktres […]

  • 3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

    ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, […]