• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bagong EDCA sites, nakakalat sa buong bansa

SINABI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Pilpinas ang  mga bagong sites na magho-host sa American troops sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

 

Sa katunayan, matatagpuan ang mga bagong EDCA sites sa  Palawan at sa hilaga at katimugang bahagi ng bansa.

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang mga bagong sites ay na-identify na kung saan ang pormal na anunsyo ay gagawin sa lalong madaling panahon.

 

 

“We’ll make a formal announcement. But yes, they have been identified,” ayon kay Pangulong Marcos, sabay sabing makikipag-ugnayan muna sila sa American authorities.

 

 

“So there are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north, there are some around Palawan, there are some further south. So iba-iba talaga. It’s really to defend our eastern coast,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Matatandaang, nauna nang inanunsyo ng Department of National Defense (DND)  ang deal o kasunduan na magbibigay ng access sa mga tropa ng amerikano sa apat pang bases sa  strategic areas ng bansa, layon nito na pabilisin ang  full implementation ng  EDCA.

 

 

Tinintahan noong 2014, “EDCA grants US troops access to designated Philippine military facilities, the right to construct facilities, and pre-position equipment, aircraft and vessels, but rules out permanent basing.”

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo nakausap na ng gobyerno ang mga  local government units na nagpahayag ng pagkabahala sa paggtatatag ng  EDCA sites sa kanilang lokalidad.

 

 

“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province. And mukha namang naintindihan nila,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. na ang lokal na pamahalaan sa Cagayan at Camarines Sur provinces ay bukas sa pagtatatag  ng  mga bagong EDCA sites sa kanilang lugar.

 

 

Ang limang kasalukuyang lokasyon ng EDCA ay  Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. (Daris Jose)

Other News
  • DIREK ERIK, excited nang simulan ang kanyang first period film na ‘Bonifacio’

    MAY hindi pa ba tayong hindi alam sa kwento ni Andres Bonifacio na hindi natin nabasa sa mga history books o napanood natin sa pelikula?   Isang malaking pelikula na legacy project tungkol kay Bonifacio ang ipoprodyus ng Regal Entertainment ngayong 2021, na pamamahalaan ni Dondon Monteverde.   Ayon kay Mr. Monteverde, sisimulan ang shooting […]

  • Kahit nakikipaglaban sa Alzheimer’s disease at PCA (Posterior Cortical Atrophy): MAUREEN McGOVERN, patuloy na aawit at gagawa ng songs para sa mga bata

    NAGKAKASUNDO sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista ‘pag dating sa pag-customize ng kanilang luxury bags tulad ng Hermes na nagkakahalaga ng milyones.   Kelan lang ay nagpasalamat si Jinkee kay Heart dahil sa pagpinta ni Heart ng magandang artwork nito sa kanyang Hermes Rose Sakura Herbag.   “Thank you dear @iamhearte” caption ni Jinkee sa […]

  • Birthday party, nagmistulang concert sa rami nang kinanta: GLADYS, ‘di napigilang maluha nang maalala ang pumanaw na ama

    BUKOD-TANGING ang actress na si Gladys Reyes lang talaga ang makakapag-pull-off ng party na tulad ng ginawa niya for her 45th birthday.     Talagang na-entertain ang mga bisita niya dahil nagmistulang concert ang party niya. Mahigit 15 songs yata ang sunod-sunod na pinerform niya, aside pa sa mga kantang kasama niya ang bestfriend na […]