PBBM: Pinas nahaharap sa ‘water crisis’
- Published on March 25, 2023
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis sa tubig kaya nilagdaan niya ang Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Water Management.
Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Edition Water Philippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na seryoso ang problema sa suplay ng tubig sa bansa.
Bagama’t ayaw umano niyang takutin ang publiko ay nahaharap umano tayo sa seryosong problema sa tubig at kailangan magtulungan dito ang bawat isa.
“There are many agencies that are involved in water supply and water management and it has just evolved that way. But what we are going to try to do is to make it a more cohesive policy so that there’s planning at a national level and in that way we can maximize the management of what water we have,” pahayag pa ni Marcos.
Iginiit pa ng Pangulo, na dapat na gamitin ang teknolohiya para magkaroon ng cohesive plan hindi lang sa National Capital Region kundi sa buong bansa.
Malaki anya ang ginagampanan ng tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
“And again I know that you are all experienced and committed to giving our people the fresh water supply that they need. And we’ll work together on that. It will not be the work of a day or of a week but we will start now and we will continue until it’s done,” pahayag pa ni Marcos. (Daris Jose)
-
IG post ni RUFFA tungkol sa ‘beauty in privacy’, may kinalaman daw sa isyu kina HERBERT at KRIS; super react ang netizens
PINAG-UUSAPAN ng netizens ang latest IG post ni Ruffa Gutierrez na kung saan pinagdiinan niya na there is a ‘beauty in privacy’. Post ni Ruffa, “Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY. Everything isn’t meant to be on display. “It’s perfectly […]
-
Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana
ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul […]
-
Diaz seselyuhan ang ika-4 niyang Summer Olympics
LUMAPAG na sa Tashkent, Uzbekistan si 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting 53-kilogram silver medalist Hidilyn Diaz upang pormalisahin na lang pang-apat na pagsabak sa 32nd Summer Games sa pagbahagi sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25. Abr. 10 nagbuhat sa Malaysia na naging kampo niya […]