• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nanawagan kina VP Leni Robredo at Senador Franklin Drilon na tigilan ang pamumulitika

NIRESBAKAN ng Malakanyang ang tila maagang pamumulitika nina Vice-President Leni Robredo at Senador Franklin Drilon.

 

Ito’y makaraang sabihin ni Senador Franklin Drilon na 2.5-billion pesos lang ang napondohan sa pagbili ng COVID vaccine habang ang natitirang pondong dapat gamitin ay wala pa umanong revenue source.

 

“Malayo pa ang eleksiyon kaya’t tigilan na ang pamumulitika,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sabay sabing paulit-ulit na aniya nilang sinasabi na makakautang ang bansa sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para sa 72.5-billion na kakailanganin.

 

Batid naman aniya ni Senador Drilon bilang isang beteranong mambabatas at Robredo kung paano gumagana ang budget.

 

Ang hirit kasi ni Robredo, walang sense of urgency ang Administrasyon sa usapin ng pagba- budget sa COVID-19 vaccine pero sagot dito ni Roque, huwag na lang mamulitika at malayo pa naman ang halalan.

 

“Senator Drilon, Vice President, malayo pa po ang eleksiyon, tigilan ang pulitika. Paulit-ulit na po sinabi natin iyan ‘no na tayo po ay makakautang na sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para po sa 72.5-billion na kakailanganin,” ayon kay Sec. Roque.

“Kaya po inilalagay sa budget iyan, maski utangin hindi po pupuwedeng gastusin and I’m sure Senator Drilon knows about this already having been a veteran lawmaker, the same thing goes for the Vice President. They should know how the budget works. Kinakailangan nasa budget otherwise hindi magagastos maski ang panggagalingan ay uutangin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pinakita ang kanyang six-pack abs… MATTEO, pinaglaway ang mga accla sa social media post

    PINAGLAWAY ni Matteo Guidicelli ang mga accla sa social media nang mag-post ito sa kanyang Instagram na kita ang kanyang six-pack abs.     Kuha iyon sa pelikulang pinagbibidahan ni Matteo na ‘Penduko’ na official entry ng Viva Films sa 2023 Metro Manila Film Festival.     May nag-comment na ang suwerte raw ng misis […]

  • Pamamahagi ng ayuda sa NCR nasa P4.5-B na – Sec. Año

    Iniulat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kabuuang P4.5 billion mula sa P11.2 billion ayuda na ang naipamahagi ng gobyerno as of August 16, 2021 sa mga beneficiaries sa National Capital Region (NCR) simula ng isailalim ito sa enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang August 20, 2021. […]

  • “Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

    Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.   Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na […]