Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita
- Published on March 29, 2023
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City.
Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, matapos hingan ng tulong ng ina ng 14-anyos na Grade 8 student.
Base ulat ni P/SSgt. Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na isinumite sa tanggapan ni P/Col. Amante Daro, hepe ng Malabon Police Station, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw, sa loob ng bahay ng pamilya sa Damata, Letre Road, Brgy. Tonsuya.
Sa pahayag sa pulisya ng biktima, nagising siya nang maramdaman ang maiinit na kamay na humihimas sa kanyang dibdib at nagulat siya nang makita na ang kanyang ama ang gumagawa ng kahalayan sa kanya.
Kaagad na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina ang ginawa ng sariling ama kaya’t hindi na nagdalawang-isip pa ang ginang at kaagad na humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Iprinisinta na ng WCPD ng Malabon police sa piskalya ng Malabon ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Richard Mesa)
-
NAIA terminal assignment babaguhin
ANG NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na bagong pribadong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nagsabi na magkakaroon ng pagbabago ng terminal assignments ang mga airlines upang mabawasan ang pagsisikip at ng gumanda ang takbo ng operasyon dito. “We have engaged already with several consultants regarding the reassignment of terminals being used by […]
-
Pacquiao gumastos P119-M noong nakaraang halalan, P60-M mula sa sariling bulsa —SOCE
HUMABOL din si Senator Manny Pacquiao sa kanyang pagsusumite nitong araw ng Miyerkules sa Comelec ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong nakalipas na halalan. Idineklara ni Pacquiao na tumakbo sa pagkapresidente, na umaabot sa P119 million ang kanyang ginastos sa pangangampanya kung saan nasa P62 million dito ay mula raw […]
-
42 grupo bilang partylist at koalisyon, pinapakansela ng Comelec
IPINAG-UTOS ng Commission en banc ang pagkansela sa registration at pagtanggal sa listahan ang 42 grupo bilang Partylist at koalisyon. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc ngayong araw , natuloy na bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon ang 11 organisasyon. Bigo namang makakuha ng dalawang porsyiemto ng […]