• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUSPEK SA PAGPATAY SA DLSU STUDENT, KILALA NA

KILALA na ng Cavite police ang suspek sa pagpatay sa isang Graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas  na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite noong Marso 28, 2023.

 

 

Kinilala ni PLt Coronel Jose Oruga Jr, Hepe ng Dasmarinas City Police ang suspek na si Angelito Erlano y Lacerna, alias Kulet, nasa wastong edad ng Brgy San Nicolas 2, Dasmarinas City Cavite

 

 

Si Erlano ang suspek sa pagpatay kay Queen Leanne Daguinsin, 22,  isang  Computer Science student ng DLSU, na natagpuang patay at may labin-apat na tama ng saksak sa kanyang katawan dakong alas-4:40  noong Sabado ng hapon sa loob ng Rolisa Dormitory na matatagpuan sa Blk 6 Lot 5 Brgy Sta Fe, Dasmariñas City Cavite.

 

 

Ang pagkakatukoy sa pagkakakilanlan sa suspek ay bunsod sa isinagawang patuloy na hot pursuit operation ng Dasmariñas City Police (CPS) at Cavite Police Intelligence Unit base sa isinagawang backtracking ng Close Circuit television (CCTV footages kung saan natagpuan ang bahay nito sa Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City at pagkakakilanlan nito.

 

 

Narekober sa lugar ang suot ng suspek sa pinangyarihan ng krimen ang kanyang itim na short pant na may white  stripe, blue na t-shirt na may trademark na Eagle at isang itim na bag pack na hinihinalang gamit ng biktima.

 

 

Gayunman, hindi rin naabutan ang suspek sa lugar.

 

 

Ayon sa mga kamag-anak ng suspek, hindi na umano ito umuwi sa kanilang lugar dahil itinakwil na ng kanyang pamilya matapos na abusuhin ng inaanak ng kanyang tiyuhin .

 

 

Ang suspek ay may nakapatong na reward sa sinumang makakapagbigay impormasyon sa kinaroroonan nito na P1,100,000.00, mula kina Governor Jonvic Remulla (P300K); Senator Bong Revilla (P300K); City Government ng Dasmarinas City (P300K) at tig P100K mula kina Mayor Jenny Barzaga at Congressman Pidi Barzaga.

 

 

May dating kaso na robbery ang suspek  noong nakaraang taon. GENE ADSUARA

Other News
  • Mas maraming eco activities, asahan sa Metro Manila Subway Project- PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.  na asahan na ang mas maraming  economic activities  sa Metro Manila Subway Project.     Pinangunahan kasi ni  Pangulong Marcos Jr.   ang  ground breaking  ceremony para sa pagtatayo ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP- COntract Package 104) sa Pasig City.     Umaasa […]

  • Priority pa rin ang pamilya kesa sa pag-aartista: ELLEN, wish pa rin na magka-baby girl para tapos na ang ‘boxing’

    FIVE years old na si Elias Cruz ngayon, ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, kaya gusto na raw ng aktres na magkaroon sila ng anak ni Derek Ramsay.   Sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center kahapon sa Ore Central Building, BGC, inamin ni Ellen na wish pa rin […]

  • Dating Unang Ginang Imelda Marcos, gustong sumama sa kanyang anak na si PBBM sa Hawaii trip nito

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na nais ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos na sumama sa kanyang working visit sa Hawaii.     “Oh yes, oh yes she would. She would love to have come just to see all of the people. If she cannot travel, sabi ko nga kay […]