• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay employees, kasali na sa ‘Pambansang Pabahay’

PASOK  na rin ang mga empleyado ng barangay sa mga benepisyaryo ng programang pabahay ng pamahalaan.
Batay ito sa probisyon ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan kamakailan nina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Interior Secretary Benhur Abalos.
Base sa kasunduan, magtatayo ng housing units para sa mga mahihirap na barangay worker at informal settler sa ilalim ng “Pambansang Pabahay” program.
Target sa kasunduan na mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap na barangay tanod, day care teachers, response team workers at iba pang kuwalipikadong empleyado, maging ang mga permanent, contractual o casual workers.
“Sa tulong po ng DILG, we are finally bringing our program to the barangay level,” ayon kay Acuzar.
Kasama rin sa programa ang informal settler families bilang buyer-beneficiaries ng affordable housing units.
Tutulong umano ang DILG sa mga barangay para tukuyin ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng social preparation, census enumeration, socio-economic profiling at pagtatalaga ng social parameters. (Daris Jose)
Other News
  • Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, tuluyang nang sinibak ni PDu30

    TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.   Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa sarili nitong kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na […]

  • LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año

    MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.   Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.   Tinukoy nito ang nasa […]

  • COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA

    Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.     Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.     Umaasa si Dr. David na kung […]