• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Job fairs at Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stores, bubuksan sa araw ng Labor day – DOLE

MAGDARAOS  ng job fair ang pamahalaan at magbubukas ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stores sa 16 na rehiyon sa bansa sa Labor day, Mayo 1 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture.

 

 

Sa Kadiwa stores, mag-aalok ng murang mga pagkain at iba pang essential commodities upang matulungan ang mga manggagawa na magkaroon ng access sa mga bilihin sa murang halaga gayundin para maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto ng direkta sa mga mamimili nang walang middleman upang matamasa nila ang mataas na kita.

 

 

Maliban pa dito at sa job fairs sa araw ng manggagawa, mamamahagi din ang DOLE ng financial assistance para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program, Special Program for Employment of Students at Government Internship Program sa mga rehiyon.

 

 

Hinihimok naman ng DOLE ang mga jobseekers na maghanda sa kanilang application requirements gaya ng resume o curriculum vitae, certificate of employment para sa mga dating employed, diploma at transcript of records. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bagong toll rates sa Cavitex, ipapatupad na sa May 22

    MATAPOS  ipagpaliban ng sampung araw, tuloy na sa Mayo 22, 2022 (Linggo), ang pagpapatupad ng bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment.     Matatandaang inanunsyo ng Cavitex Infrastructure (CIC) at ng joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), sa pakikipagtulungan ng  Toll Regulatory Board (TRB), ang bagong toll rates para sa […]

  • Aklat hinggil sa eleksiyon sa Filipinas, inilunsad sa Araw ni Balmaseda 2020

    INILUNSAD ang aklat na Prosesong Elektoral (1846-1898): Ang Kaso ng Halalang Lokal sa Lalawigan ng Tayabas ni Dr. Gilbert E. Macarandang noong 28 Enero 2020, bilang paggunita sa ika-135 na kaarawan ni Julian Cruz Balmaseda.   Unang kinilala ang pananaliksik na ito nang parangalan ito bilang pinakamahusay na disertasyon sa agham pampulitika noong Gawad Julian […]

  • Speaker Romualdez tiwalang maibibida ng PBBM ang Pilipinas bilang investment hub sa World Economic Forum

    KUMPIYANSA si House Speaker Martin Romualdez na magiging produktibo ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa World Economic Forum (WEF) sa Davos Switzerland.     Ayon kay Speaker Romualdez, pagkakataon ito na maibida ng pangulo ang mga napagtagumpayan ng Marcos administration, at maibida ang Pilipinas bilang investment destinations at maipaliwanag din ang Maharlika […]