• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsusuot ng face mask at face shield, required na

REQUIRED na ngayon ang mga mamamayang Filipino na magsuot ng face masks at face shields kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay.

 

Layon kasi ng pamahalaan na pabagalin ang pagkalat ng  COVID-19 ngayong holiday season.

 

Ang anunsyong ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos magpulong ang  policy-making Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF  ang “mandatory” na pagsuot ng full-coverage face shield at face mask sa publiko sa tuwing lalabas ng kanilang mga bahay. Ito’y para maiwasan ang hawaan ng Covid-19.

 

Matatandaang, ang ni-require lamang ng pamahalaan ay ang pagsusuot ng face shields sa loob ng establisimyento.

 

Samantala, hinikayat ng  OCTA Research  ang  national at local governments na magtulungan  para malimitahan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapataas ng “testing, contact tracing, isolation and quarantine,”  at implementasyon ng  “small, targeted lockdowns para ma contain ang  “super-spreading events” sa komunidad.

 

Umapela rin ito sa publiko na iwasan ang matatao at  enclosed areas at umiwas sa pagsali o pag-organisa ng   social gatherings ngayong Christmas season. (Daris Jose)

Other News
  • Bukod sa ‘di matatawaran ang pagtulong sa mga OFWs: ARNELL, naglunsad ng health and wellness campaign para sa OWWA employees

    GRABE at hindi talaga matatawaran ang dedikasyon at concern ng Executive Director Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), na kapag nagkakaroon ng problema at agad siyang gumagawa ng solusyon, katulad na lang ng bagong kaso ng isa nating kababayan sa Kuwait na patuloy nilang […]

  • Bidang-bida sa three-part erotic series: VINCE, ‘di lang suwerte kundi blessed kaya ganun na lang ang pasasalamat

    AMINADO sina Vince Rillon at Ayanna Misola na nakaramdam sila nang matinding pagod na gawin nila sa pinag-uusapang extended love scenes sa ‘Larawan’ na unang bahagi ng Vivamax erotic three-part series na L, mula sa direksyon ni Topel Lee.           Napanood nga ito last February 27 sa pamamagitan ng streaming sa Vivamax. Written and […]

  • KAHIT MAY PANDEMYA, ELEKSIYON TULOY

    SA kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, itutuloy pa rin ang 2022 presidential polls sa itinakdang petsa.     Ito ang sinabi Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang interview sa radyo.     Tiniyak ng poll chief sa publiko na gaganapin pa rin ang halalan sa May 9,2022 .     Sinabi pa ni Jimenez […]