• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo

SUPORTADO ng isang mambabatas ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na may malawakang pagtatangka para pagtakpan umano sa pagkakaaresto kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

 

 

Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo at iba pang matataas na opisyal.

 

 

May mga nakalap aniya silang mga ebidensiya, testimonya at dokumento at authentic CCTV footages na nagpapakita sa katotohanan at tunay na istorya sa likod ng mga insidente naipinakakalat ng ilang scalawags.

 

 

“Indeed there is much truth of a massive attempt to exonerate Sgt. Mayo and other personalities involved in the raid and/or connected to him. Soon these pieces of evidence will unravel and reveal the real story,” ani Barbers.

 

 

Sinabi pa ni Barbers na sa kabila na batid naman ng mga mambabatas na hindi sila maaring mag-prosecute ay may kapangyarihan naman ang mga ito na i-endorso sa korte at mga kinauukulang ahensiya ang resulta ng kanilang ikinasang pagdinig.

 

 

Pinuri naman nito ang paninindigan ni Abalos na linisin ang hanay ng pambansang pulisya kasabay ng pagtitiyak na susuportahan ng kamara ang mga hakbangin ng kalihim para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipino.

 

 

Si Mayo na inaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga, kasunod ito ng ikinasang drug raid ng mga otoridad noong October 2022 sa  tanggapan ng isang lending company sa Maynila na pag-aari ng dating opisyal. (Ara Romero)

Other News
  • Top 6 most wanted person ng NPD, timbog

    Makalipas ang limang taon pagtatago, nadakip na ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Calumpit, Bulacan.   Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head P/Col. Ferdinand Del Rosario kay NPD Director PBGen. Eliseo Cruz kinilala ang naarestong suspek na si Rudy […]

  • Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican

    Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches.     Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church. […]

  • Zubiri, susunod na Senate President

    SINIMULAN na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pumili ng magiging katuwang niya sa mga komite sa Senado.     Kasunod ito ng lumilinaw nang Senate presidency, makaraang umatras na sa laban si Sen. Cynthia Villar.     Dahil sa naturang development, formality na lang ang kailangan para sa pag-upo niya bilang pinuno […]