• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC 2021 BUDGET APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

INAPRUBAHAN na sa Senate committee level ang proposed budget ng Philippine Sports Commission para sa 2021 sa ginanap na virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Senator Bong Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.

 

Sa kanyang opening state- ment, binati ni Go ang PSC dahil sa overall championship finish ng Team Philippines sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

 

“We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” wika ng Senator.

 

Dumalo sa virtual hearing sina PSC Chairman Butch Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez, kasama si Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy na naglatag ng breakdown ng proposal na aabot sa kabuuang P207 Million na una nang dumaan sa pag-aaral at aprubal ng Department of Budget Management.

 

Nagsagawa naman ng hiwalay na proposal ang PSC para sa gagastusin sa preparasyon at partisipasyon ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics at 31st SEA Games sa Vietnam na aabot sa halagang P250 Million, maging ang budgets para sa Paralympics, Asian Indoor and Martial Arts Games, Asian Youth Games and the Asian Beach Games.

 

Nangako si Go na hahanap ito ng paraan para tulungan ang ahensiya sa kanilang trabaho para sa national team. Ikinatuwa rin nito ang developments kaugnay sa preparasyon ng PSC sa National Academy of Sports.

 

Sunod na daraan sa plenary deliberations ang budget pro- posal ng PSC, ayon sa ulat.

Other News
  • Representatives ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris: AGA at CHARLENE, proud na proud sa kambal na sina ANDRES at ATASHA

    PROUD parents  ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil naging representatives ang kambal nilang sina Andres at Atasha ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris.  Ganoon din namang ang mag-asawang sina Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres, dahil nanalo naman sa Open Fencing Championship, ang only child nilang si […]

  • 28 jeepney routes muling binuksan

    MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan.   Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may […]

  • ‘Everything Everywhere All At Once’, big winner sa 95th Academy Awards: MICHELLE YEOH, first Asian na manalo ng Oscar best actress at best actor si BRENDAN FRASER

    ANG trippy multiverse dramedy na Everything Everywhere All At Once ang tinanghal na big winner sa 95th Academy Awards dahil sa paghakot nito ng 7 awards.     Napanalunan ng naturang pelikula ang Best Picture, Best Director (Daniel Kwan and Daniel Scheinert), Best Actress (Michelle Yeoh), Best Supporting Actor (Ke Huy Quan), Best Supporting Actress […]