P 1.5 SMUGGLED SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Phililippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P1.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa baybayin ng Bangas Island at Jolo Island sa Sulu.
Ayon sa PCG, inaresto rin ang tatlong crew na sakay ng “junkong” type motorbanca nang magsagawa ng regular na coastal security patrol ang Coast Guard Station Sulu.
Hindi umano nakapagpakita ng dokumento ang mga crew kaya kinumpiska ang kahon-kahon ng mga puslit na sigarilyo at itinurn over sa Bureau of Customs (BOC) sa Jolo para sa tamang imbentaryo at kaukulang imbestigasyon.
Magkatuwang ang PCG at BOC sa pagbabantay sa mga baybayin sa bansa upang mapigilan ang iligal na aktibidad gaya ng smuggling, at human trafficking. (GENE ADSUARA)
-
Columbia Pictures Unveils “Escape Room: Tournament of Champions” First Poster
COLUMBIA Pictures has just unveiled the first poster art for its upcroming suspense thriller Escape Room: Tournament of Champions. Check it out below and watch the film soon in Philippine cinemas. Watch the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=KlfUbZJVInA Escape Room: Tournament of Champions is the sequel to the box office hit psychological […]
-
Japan, magpapalabas ng karagdagang 20 billion yen loan para sa PH COVID-19 response
PINAG-USAPAN nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, araw ng Miyerkules ang napipintong pagpapalabas ng JY20 billion ( P9 billion) Post-Disaster Standby Loan sa Pilipinas, ang kalagayan ng subway at railway projects sa Metro Manila at ang agresibong aksyon ng China sa South China Sea. Ayon sa overview na ibinigay […]
-
Ads August 18, 2022